The faint humming of the air-condition was the first thing that registered in my mind. I was lying on my side, but it didn't feel comfortable enough to assume that I was in someone's bed.
I opened my eyes and finally got the sense of where I was somehow—a backseat. Backseat nino? Sigurado akong hindi kay Summer dahil walang backseat ang truck niya.
I tried to push myself up, but halted when I realized that my hands were bound together. Bumaba ang tingin ko sa mga kamay ko para makumpirma. It was slightly dark so I couldn't see it anyway. Sunod kong ginalaw ang mga binti ko pero napagtanto ko na nakagapos din 'yon.
Unti-unting binalot ng kaba sa dibdib ko. Something was wrong. Bakit ako nakatali? Kaninong sasakyan 'to?
What happened again? We were at the club to celebrate our last day of filming. Nag-aya kong umuwi dahil nakaramdam ako ng pagkaantok. Ang pinakahuling naalala ko ay nasa parking lot na kami ni Summer.
"Summer?" paos kong tawag. Tuyot na tuyot ang bibig at lalamunan ko. Para akong isang linggong hindi nakainom ng tubig.
Walang sumagot. Nanatiling tahimik ang nagda-drive ng sasakyan. Kahit nakagapos ay pinilit kong bumangon. Umikot ang paningin ko sa pagkahilo.
"Hello? Sino—" Napahinto ako nang makita ang repleksyon ng isang pamilyar na mukha sa rearview mirror.
"Echo?" nagtatakang tawag ko.
Tumingin siya sa akin gamit ang rearview mirror pero agad din ibinalik ang tingin sa harapan.
"You should go back to sleep, Rei," malamig na sabi ni Echo.
"Huh? Anong nangyayari?" naguguluhan tanong ko. "Bakit ako nakatali? Nasaan si Summer?"
Hindi sumagot si Echo.
This could only mean one thing... Bigla akong napahagalakpak sa tawa at iginala ang tingin sa buong sasakyan para hanapin ang hidden camera. "Prank ba 'to? For content? Where's the camera?"
Nanatiling tahimik si Echo at deretso lang ang tingin sa kalsada.
"Ang obvious, Echo. Umamin ka na. Nahuli ko na kayo agad," nakatawa kong sabi at umayos ng upo para makalapit sa harapan.
"Umayos ka ng upo, Rei," tanging sabi nya.
"Come on, Echo," tawa ko at lumapit lalo.
"Sabi ng umayos ka ng upo!" sigaw nito kasabay ng pagharap sa akin. Isang tili ang lumabas sa akin at napaatras ako sa sobrang gulat. The vehicle swerved for a bit and loud horn came from the outside; making my heart race in fear.
The amusement that I was feeling just a moment ago slowly faded. Fear began to riddle me. "E-Echo? Pakawalan mo na ako, Echo. Hindi na nakakatuwa."
Hindi sumagot si Echo kaya lalong nanuot ang kaba sa dibdib ko. Tumingin ako sa labas pero bukod sa madilip ay hindi rin pamilyar sa akin ang daan.
"Echo, saan mo ako dadalhin?" tanong ko.
"Sa malayo. Yung tayong dalawa lang."
Kumunot ang noo ko sa pagkagulo hanggang sa unti-unti kong naproseso ang ibig sabihin niya at kung sino siya. Binalot ako ng kilabot sa katawan at sinundan ng panlalamig sa takot.
"It's you," I said in tiny voice. "Ikaw yung stalker."
"I'm not a stalker." Tumawa siya. "Is that what that Serrano is calling me? Shocker. He's manipulating you, Rei. Hindi mo ba nakikita 'yon?"
Muli akong naguluhan. He's so confident that he's not a stalker and even calling Zeno a manipulator. It was completely throwing me off.
"Hindi kita maintindihan. Kung hindi ikaw yung stalker, bakit ako nakatali? Saan mo ako dadalhin?" dere-deretsong tanong ko. "At nasaan si Summer? What did you do to Summer, Echo?"

YOU ARE READING
In Between Stars
RomanceThe S's #5 Nikaela Reign Hinkle has always been Zeno Pierre Serrano's ultimate fan girl-content with being in the shadows and watching him from afar. But when the universe suddenly did its thing, she's suddenly thrusted into the very limelight that...