2nd day of school today and umaga ako nagising. 5am. Nag-exercise ako sa loob ng dorm saka nag-jogging na rin sa malapad na field ng university. Medyo madilim pa at hindi pa nakataas ang araw at malamig din ang simoy ng hangin habang iniikot ko ang field. Tinapos ko ang 5 laps routine ko saka umupo sa gilid at uminom ng tubig. 6:30 am nang magliwanag na at nagdecide akong bumalik sa dorm. Habang naglalakad ako papunta sa dorm building namin ay nahagip ng mata ko ang mga maletang nakatayo sa gate ng university, pati narin ang iba pang mga gamit na pinapasok ni Manong Guard. Siguro new student at kararating lang dito sa university. I kinda wish na sana babae lang siya para maging ka-dormmate ko. Tumayo lang ako sa di kalayuan mula sa gate at hinihintay na pumasok ang new student, pero hindi ko siya nakita. Naglakad nalang ako pabalik sa dorm ko para maghanda. Kapag may kumatok sa pinto ng dorm ko, paniguradong siya na yun.
Pero nakaligo't nakapag-bihis na ako pero wala paring kumakatok sa pinto ko. Until 7am, bumaba na ako para mag-almusal sa cafeteria, pero wala parin akong nakitang student na paakyat ng hagdan. Pagtingin ko din sa gate ay wala na dun ang mga maleta at gamit na nakita ko at pinapasok ni Manong Guard. Ibig sabihin mag-isa parin ako sa dorm.
Nakasuot na ako ng school uniform at dala-dala ang iba kong gamit ay bumaba na ako ng dorm. 2 notebooks lang ang dala ko since 2 subjects lang ang klase ko ngayong araw, at ang ibang notebooks ko naman ay nasa locker ko na nasa third floor, katabi ng library.
Sino kaya yung bagong dating lang na student? Babae ba siya o lalaki? Kung babae, siguro may isang bed na bakante sa ibang dorm at duon siya pina-stay instead na sa dorm ko. Sayang naman, akala ko pa naman ay may makakasama na ako at magiging kaibigan.
Pumunta ako sa cafeteria, at this time ay hindi pa masyadong maraming estudyante. Mga iilan pa lang ang nakaupo sa mga tables at 3 pa lang ang naka-linya sa counter. Pagkakuha ko ng pagkain ay umupo na ako sa isang table malapit sa pinto para diretso na lang akong lalabas mamaya pagkatapos ko kumain. Isa pa, nahihiya din akong dumaan sa ibang table, pakiramdam ko kasi ay nakatingin sila sa akin. Pagkatapos kong kumain ay dumiretso na ako sa room ko sa 2nd floor kahit na may 35 minutes pa bago mag-time. Pagdating ko dun, sakto namang ako palang mag-isa, kaya naman nakangiti akong lumapit sa table ko at umupo. Kinuha ko ang 13 Reasons Why na book sa bag at nagbasa habang hinihintay ang mga classmates ko. Few minutes later, ay unti-unti ng nagsipag-datingan ang mga classmates ko. Napatigil ako sa pagbabasa nang may bumati sa akin na hindi ko inaasahan.
"Goodmorning, Yuka!".
Inangat ko ang ulo ko mula sa librong binabasa ko at nakita si Crisha na nakangiti sa akin. Nakatayo siya sa upuan niya, Row 4 Column 2. Ngumiti din ako at binati siya pabalik. Nang binati ko siya ay nag-bow siya kagaya ng ginagawa namin sa Japan saka umupo sa table niya. Binalik ko na din ang atensyon ko sa libro. It's the first time na may bumati sakin sa isa sa mga classmates ko. Does that mean, I just made a friend? Crisha seems nice and I guess she really means to greet me. Is Crisha my friend now? Hindi ko alam kung ganito sila sa Philippines, but in Japan, when someone greet us, we already consider them as a friend.
Dumating na si Ma'am Marissa na siya ring Prof namin sa first period at nagsimula na ang klase. It was English, I know some English pero hindi ako magaling. Kaya nagtake-down notes talaga ako ng maigi sa discussion ni Prof sa notebook ko. After the 1st period ay vacant namin, but we all just stayed sa room kasi nagclass meeting kami sa unang pagkakataon. Nag-elect ng officers at pinagbobotohan ang mga nino-minate, in which si Crisha ang naging President ng section namin. I was not nominated for any positions. It's okay though, kasi it kinda conscious me as an individual and as a student, kasi hindi ko rin alam ang gagawin lalo na at hindi pa ako masyadong pamilyar sa culture dito sa Philippines. All throughout the time na nagno-nominate ang mga classmates ko ay tahimik lang ako sa likod. Kinakabahan na baka may magbanggit ng pangalan ko, but luckily...wala.
DU LIEST GERADE
Before We Part Ways
RomantikMa'am Marissa is a retiring Professor of the said University. Habang ini-impake ang mga gamit sa kanyang office ay may nahanap siyang isang kulay dilaw na journal na pagmamay-ari ng kanyang estudyante 10 years ago. This student was one of the best o...
