After that night and simula nang matapos ang holidays ay bumalik kami sa University, I noticed that something had changed. First, Selene is always with me, lagi siyang sumasabay sa amin and tumatabi sa amin, but she is ignoring the others and only talk to me. I don't want Selene to feel bad about it but honestly she makes me very uncomfortable, mapapansin ko din na naiilang ang mga kabarkada ko sa kanya and kahit na si Yuka na dormmate niya ay parang hindi niya kilala. But still, I don't have the courage to ignore Selene the way how she ignore the others and I would still warmly talk to her.
Kagaya nga ng palagi naming pag-uusap ni Selene ay ganun din sina Jake at Yuka, and Jake has always been this caring to Yuka. kahit hindi niya sabihin, alam kong gusto niya din si Yuka, kasi gagawin ko din ang mga bagay na ginagawa niya kay Yuka kung hindi lang ako napapangunahan ng hiya ko. I miss Yuka. I miss being with her. Kasama ko naman siya sa room at sa cafeteria buong araw, but there's Jake too and he makes sure that Yuka's attention is on him. I don't want to, but sometimes I feel jealous. Iniisip ko na lang na bagay sila para pakalmahin ang sarili at pilit na binabalewala ang nararamdaman ko.
Something happened on our PE class that shocked me. Hindi ko inaasahan na sasaktan ni Selene si Yuka, and I kinda know the reason why. It's because of me. Dumugo ang ilong ni Yuka at dinala agad siya sa clinic ni Jake, samantalang pinagalitan naman kami ni Prof at pina-detention sina Crisha and Selene ng 2 weeks.
Inis na inis si Prof dahil sa kaguluhan na nangyari sa klase namin kaya naman nag-early dismissal siya. Ako naman ay dumiretso na kaagad sa clinic para tignan ang lagay ni Yuka, but I saw Jake na lumabas ng clinic and akala ko ay wala na din sa loob si Yuka, kaya naman tinext ko na lang siya. Hindi siya nagreply at sumandal ako sa pader habang hinihintay iyon. Nabasa kaya niya ang text ko?
Maya maya pa ay nagulat ako kasi bigla kong narinig ang boses niya.
"Nicho".
Akala ko nga nung una guni guni ko lang, sa kagustuhan kong makita siya ay nagha-hallucinate na ako. Pero inangat ko pa rin ang ulo ko at nakita ko siya na nakatayo sa labas ng clinic, hinihingal at nanlalaki ang mga mata nang makita ako. Patakbo siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit, mas mahigpit pa sa yakap namin nung December. Namiss ko siya ng sobra at kay tagal kong hinintay na mayakap ko siya uli kaya naman niyakap ko din siya pabalik. Natigilan ako nang mapansin kong humihikbi siya habang nakabaon ang ulo niya sa dibdib ko, nag-alala ako.
"Yuka? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?".
"Wala... masaya lang ako kasi nandito ka", sagot niya and those words makes my heart flutter. It made my heart skipped a beat and I hope Yuka won't notice it. It makes my heart jump of happiness.
"I'm glad that you're okay now, Yuka. I was so worried. I'm so sorry".
"Sorry kung nag-away sina Crisha at Selene nang dahil sa akin", it pains my heart to hear her apologizing to something na hindi naman niya kasalanan. It breaks my heart.
"Sshhh... wala kang kasalanan", sabi ko sa kanya. Ayokong isipin pa niya ang nangyari, ayokong mag-alala pa siya dahil dun. Gusto ko din siyang magpahinga, magpahinga sa mga bisig at yakap ko.
I was watching in the bleacher when it happened. It was all just a game, a very fun and exciting game at lahat sila ay nag-e-enjoy, not until Selene threw that ball with great force and anger. Bumagsak sa sahig si Yuka and biglang dumugo ang ilong niya, dahil dun ay nilapitan na namin siya. Nagmadali akong bumaba ng bleachers para lapitan siya, but Jake was faster. Nauna siyang nakalapit kay Yuka and I couldn't find a space for me there with her anymore kasi pinagkaguluhan na siya ng lahat. Kaya nakatayo na lang ako sa gilid at pinapanood na tinutulungan siya ng iba lalong lalo na si Jake.

YOU ARE READING
Before We Part Ways
RomanceMa'am Marissa is a retiring Professor of the said University. Habang ini-impake ang mga gamit sa kanyang office ay may nahanap siyang isang kulay dilaw na journal na pagmamay-ari ng kanyang estudyante 10 years ago. This student was one of the best o...