3rd day of school, and as usual ay umaga ako nagising at 5am para mag-exercise at mag-jogging sa field. At 6:30am ay bumalik na ako sa dorm at nag-bihis ng school uniform, saka lumabas ng dorm. Hinintay ako nila Crisha sa lobby ng dorm at sabay kaming pumunta sa cafeteria para mag-almusal. Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo ang itsura ng school uniform namin. White blouse and puffy short sleeves na hanggang siko, and naka-tucked-in ito sa stripe skirt namin na color brown. Then may blazer kami na kulay maroon.
Hindi pa masyadong puno sa cafeteria ng dumating kami kaya umorder kaagad kami ng pagkain at umupo sa bakanteng table. Nagkwentuhan lang kaming apat then sinabi samin ni Crisha na may meeting daw kami mamaya after last period class namin for Student Council. Actually, that news makes me anxious out of nowhere. Ever since lumipat kami dito sa Philippines, I became anxious of meeting other people and conscious also about myself. Maybe because I'm a foreigner? A stranger to this country, and hindi ko alam kung paano i-a-approach ang iba in a way na hindi sila magiging uncomfortable sakin and hindi ko rin sila ma-disrespect without noticing. I don't want them to hate me, kaya I was very very careful while talking and interacting with them. I just really hope na hindi ako maging awkward and magmukhang trying hard sa kanila. I am overthinking of different stuffs and trying to predict what could have happen mamaya sa meeting para prepared ako. Strict ba ang mga seniors? Dapat ba pormal ako? I need to stop.
Then our first period started. Nag-discuss lang ng new lesson si Prof, then vacant. During vacant nasa room lang ako kasama sina Crisha. As usual, absent parin si Mr. Rodriguez. Nagbasa lang ako ng libro habang hinihintay ang 2nd period namin, habang tulog naman sina Atasha at Crisha, samantalang nanonood naman ng movie sa phone si Nicole. 2nd period class passed like a tv commercial. Then lunch came and the afternoon classes, and finally, the dismissal. This time naiwan ako sa room dahil isa ako sa mga cleaners. Sinabihan ko nalang sina Crisha na susunod ako sa kanila sa meeting.
I was left in the room with my fellow cleaners. Kumuha kaming lahat ng walis at nagsimulang maglinis. Binura namin ang mga nakasulat sa board, pinahiran ang mga bintana at inayos ang mga upuan. Nag-volunteer na rin ako na maglabas ng trashbin namin at ilagay ito sa likod ng school kung saan iniipon ang lahat ng basura ng mga classrooms. Lumabas ako ng room na may dalang dalawang malaking trashbin sa magkabilang kamay ko. Bumaba ako ng hagdan at tumungo sa likod ng school at iniwan dun ang mga trashbin na dala ko at bumalik na sa room namin para kunin ang mga gamit ko. Nagpaalam na kaming mga cleaners sa isa't isa at umalis. Umakyat ako ng 3rd floor para ilagay ang gamit ko sa locker. Paakyat ako at pagtapak ko sa last step ay sakto ring may dumating na lalaki sa harap ko at pababa naman siya ng hagdan. Nagkasalubong kami at parehong hindi inaasahan ang isa't isa, kaya naman nagkabungguan kami at parehong nawalan ng balanse. Natumba siya sa sahig, samantalang nahulog naman ako sa hagdan at dumadausdos pababa. Mabuti na lang at may rest ang hagdan at hindi straight ang steps kaya hanggang kalahati lang ang binagsak ko at napigilan ng matigas na pader ang pagbagsak ko. Napa-aray ako sa sobrang sakit ng katawan ko at dahil dun ay hindi ako nakatayo agad. Mabilis namang bumangon at tumakbo palapit sakin ang lalaking nakabangga ko.
"Miss! I'm so sorry, hindi ko sinasadya. Okay ka lang ba?", nag-aalala niyang tanong sa akin habang nagpa-panic. Nahihilo akong napatingin sa kanya at nakitang hawak hawak na niya ang mga gamit ko at inaalalayan akong makatayo.
"Okay lang ako. Sorry din at hindi kita nakita", wika ko sa kanya habang hawak hawak ang ulo ko.
"Gusto mo samahan na kita sa clinic?", concern na tanong niya habang naka-alalay parin sakin.

YOU ARE READING
Before We Part Ways
RomanceMa'am Marissa is a retiring Professor of the said University. Habang ini-impake ang mga gamit sa kanyang office ay may nahanap siyang isang kulay dilaw na journal na pagmamay-ari ng kanyang estudyante 10 years ago. This student was one of the best o...