"I LOVE YOU NICHOLAS RODRIGUEZ!! I LOVE YOU!!".
Kakatapos ko lang nun ma-love chain nang marinig ko ang malakas na sigaw na yun. Tinatawanan ako nila Kevin at Kylian nang maging sila ay napatigil at napatingin sa rooftop kung saan nanggagaling ang sigaw pagkatapos ay napatingin sila sa akin.
"Ibang klase ka talaga, Nicholas. Grabe epekto mo dito sa mga girls sa University", biro ni Kevin. Nagsmirk lang ako sa kanya at sinuntok siya ng mahina sa dibdib.
"Sira! Tara puntahan natin", sabi ko at nauna na akong tumakbo sa kanila. Sumunod naman sila sa akin at sabay kaming pumasok ng school building at umakyat ng hagdan. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas nang may sumigaw sa rooftop kaya kung sino man yun at maisipan niyang bumaba ay makikita namin
Pero maliban sa ibang mga students na bumaba mula sa 4th, 3rd, at 2nd floor ay wala ni isang bumaba na galing sa rooftop. Kaya naman nung makarating na kami sa taas at binuksan ko ang pinto, nagulat na lang ako nang makita ko si Yuka. Nagulat din siya nang makita kami at nanlaki ang mga mata niya.
Siya? Siya ba ang sumigaw? Tumingin ako sa paligid, walang ibang tao maliban sa kanya.
"Yuka?", wika ko. Hindi kasi ako makapaniwala na makikita ko siya dito. At mas lalong hindi ako makapaniwala na siya ang maaabutan namin dito. Dun lang din nag-sink in sa isip ko ang boses ng sumigaw at nakilala ang may-ari nito na ngayon ay nakatayo sa harap ko.
"Uhm... narinig ko kasi yung sumigaw and sisitahin ko sana na bawal tumambay dito sa taas, kaya lang wala... wala nang tao pagdating ko", sagot niya and I can see how she pretended to act normal. She's cute as always.
"Narinig ko din yun", nanlaki ang mata niya sa sinabi ko at natigilan. Did she noticed that I knew it ws her? I really really like how confused she is, it makes me love her more.
"Student Council", sabi niya sabay angat ng ID niya at nginitian kami. "Sige mauna na ako sa inyo. Bumaba din kayo ah, bawal tumambay dito. Bye", sabi niya at kumaripas na ng takbo pababa ng hagdan. Napatawa naman sina Kevin at Kylian at napangiti ako sa kacute-an niya.
"Ba't parang ang weird ni Yuka ngayon?", sambit ni Kevin at bumaba na ng hagdan. Napatingin naman sa akin si Kylian at inakbayan ako.
"Told you", sabi niya at bumaba na rin ng hagdan.
Naiwan ako mag-isa sa rooftop. Dinama ang malakas na ihip ng hangin sa mukha ko at napatingin sa langit. I smiled, but then there is the pain. The pain that I can't love her back, the pain that I can no longer have her. The pain that I can only love her silently and secretly from afar. The pain that I can't tell her how much I love her too.

YOU ARE READING
Before We Part Ways
RomanceMa'am Marissa is a retiring Professor of the said University. Habang ini-impake ang mga gamit sa kanyang office ay may nahanap siyang isang kulay dilaw na journal na pagmamay-ari ng kanyang estudyante 10 years ago. This student was one of the best o...