PART TWO: NICHOLAS [ 17 ]

0 0 0
                                        

Kakatapos lang ng last period namin nung araw na yun at nagpaalam na ako sa mga classmates ko at lumabas ng room, umakyat ako ng third floor para pumunta sa locker ko. Ilalagay ko lang kasi sa loob ang binder ko at babalik na ako sa dorm ko. Pagbukas ko ng locker ko ay may nahulog na isang papel, sumunod ang mata ko dun hanggang sa lumapag ito sa semento, yumuko ako at kinuha yun. Hindi ko alam kung para kanino yun, kung para ba talaga sa akin o baka naligaw lang o namali ng lagay.


Sa labis kong pagtataka ay binuksan ko ang papel na nakatupi sa apat at binasa ang nakasulat ruon. NICHOLAS, PWEDE BA TAYONG MAGKITA SA ROOFTOP? PLEASE...


Yun lang ang nakasulat dun at agad akong napatingin sa paligid sa pag-asang makikita ko kung kanino galing ito at kung andito pa ba siya. Pero wala akong ni isang nakita, tanging ako lamang ang estudyante na nasa third floor na mga oras na ito. Napabalik ang tingin ko sa sulat at sa handwriting ng kung sino mang nagbigay nito.


Kay Yuka ba ito galing? Hindi ko alam kung ano ang sulat kamay niya kaya hindi ako sigurado. May part sa akin na humihiling na sana si Yuka, pero mas malakas ang bulong na nagsasabi sa akin na iba. Tinupi ko uli ang sulat at nilagay sa bulsa ng pants ko, pagkatapos ay sinara ko ang locker at umakyat ng hagdan papuntang rooftop. Wala akong ni isang idea kung kanino galing ang sulat, kaya nung makaakyat na ako sa taas ay hindi ko inaasahan na makikita ko duon si Selene. Nakatalikod siya sa akin, nakadungaw sa railings habang sumasabay sa ihip ng hangin ang mahaba niyang buhok. Napalingon naman siya agad sa akin nang marinig niya ang pagdating ko at agad na napangiti sa akin.


"Nicholas, you came! I knew you'd come!", masayang sabi niya sabay takbo papunta sa akin at niyakap ako. Nagulat ako sa ginawa niya at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.


"Uhm... Selene? Okay ka lang ba? Anong nangyari? Bakit gusto mong magkita tayo dito?", tanong ko sa kanya sabay narin kalas sa yakap niya dahil naiilang ako.


"Okay lang ako. Don't worry", nakangiting sagot niya. "I think it's the perfect time to say na... Mahal kita, Nicho. I love you, and I want to be your girlfriend. Would you be my boyfriend, Nicho?", diretso niyang wika at nanlaki ang mga mata ko.


"What?!", napatawa naman siya sa sinabi ko at napayuko.


"I know you heard me, but I will still repeat it. I love you, Nicholas. Mahal na mahal kita kaya can you be my boyfriend?", malapad pa rin na ngiting wika niya.


"Selene, you're always been our friend ever since you transferred here and I'm grateful of meeting you, but", hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi bigla siyang nagsalita at nawala na rin ang ngiti sa mukha niya.


"But? But what, Nicholas? Are you rejecting me?", galit na wika niya at ito ang pangalawang beses na nakita ko siyang ganito. Una nong nag-away sila ni Crisha during PE class and this. She looks different from the usual Selene that I know. She's scary.


"It's not a rejection, Selene, but...", I tried to explain to her in a good way na hindi ko masasaktan ang feelings niya, but she won't listen to me.


"Is there someone else? You like someone else? Is it Yuka?", sabi niya at parang nanggagalaiti siya sa pagbanggit ng pangalan ni Yuka.

Before We Part WaysWhere stories live. Discover now