1st: Room 69

10.2K 101 2
                                    

Atascha's POV

"Ano ba! bitawan niyo ko!" kahit na anong sigaw ko para magmakaawa hindi nila ko pinakikinggan. nasayang lang ang malakas kong boses sa mga walang kwentang taong nasa harapan ko. Nakagapos ang parehong kamay ko sa likod at nakatakip ng panyo ang mga mata ko, mabuti na lamang at hindi sila naririndi sa lakas ng boses ko. binaba nila ako sa sasakyan at kinaladkad. hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin basta ang alam ko lang sa kapahamakan ang bagsak ko.

~Flashback

Isang umaga

"Babe!" mula sa sala narinig ko ang malakas na sigaw ni billy sa labas ng mansion namin. mabuti na lamang at wala na ang mga magulang ko, kundi kagagalitan nanaman nila ako.

"Billy!?" pabulong kong asik sa kanya ng makalapit ako sa gate at agad na buksan ng guard ito. "Di ba sabi ko magte-text ako sayo" nakita ko ang pagkalukot ng mukha niya sa sinabi ko.

"Babe naman, dalawang linggo na akong naghihintay!" pagmamaktol niya pa.

"Nahihirapan akong kausapin sila daddy, saka nasa out-of-town sila ngayon" sinugod ko sya ng isang yakap at ginantihan naman niya ito.

"Kilala mo naman si tatay di ba? wala silang kasalanan" naramdaman ko ang pag-taas baba ng kamay nya sa likuran ko. 

"Naniniwala ako" kumalas ako sa yakap niya at hinawakan siya sa bagsak nyang balikat. "Magtiwala ka sakin, maniniwala din sila na walang kasalanan ang papa mo" binigyan ko sya ng panatag na ngiti.

Nag-usap lang kami saglit at hindi na din sya nagtagal dahil bawal na silang pumasok sa mansion namin. nakakalungkot lang dahil napag-bintangan ang tatay nya na wala naman talagang kasalanan.

After 1 week~

"Dad! please listen to me!" hinabol ko si daddy hanggang sa loob ng kanyang library.

"Stop that non-sence atascha! masyado kang nabubulag sa mga kasinungalingan nila!" Napaatras ako sa malakas na sigaw ni daddy sakin at nanlilisik niyang mata. biglang bumukas ang pinto at pumasok ang nag-aalalang mukha ni mommy.

"What happen!?" sakin unang tumama ang bughaw niyang mga mata na namana ko din.

"Mom, you know na walang kasalanan si tatay lucas right?" pagmamakaawa ko pa habang nakahawak sa braso niya.

"Tumigil kana atascha! masyado kang nagpapaniwala sa billy na yun! hindi ba sinabi ko na sayo na tigilan mo na ang pakikipag-relasyon sa bastardong yon!?" Yumakap ako sa likod ni mommy dahil sa maawtoridad na boses ni daddy.

"Huwag mong sisigawan ng ganyan ang bata jaime" malumanay na sabi ni mommy at huminahon naman si daddy. nagtatakbo ako palabas ng library, narinig ko pa ang pagtawag ni mommy sa pangalan ko pero

hindi ako huminto kakatakbo hanggang sa makalabas ako ng gate na tumutulo ang luha. napagod ako kakatakbo at namalayan ko na lang na nasa tapat na ako ng park.

"Bakit ba hindi nila ako maintindihan?!!" malakas kong sigaw. hapon na yun at walang dumadaan kaya libre akong ilabas ang namumuong sama ng loob sa dibdib ko. Narinig ko pa ang paparating na sasakyan pero yumuko ako at nilaro-laro ang mga daliri ko.

"Babe?" nanlamig ako sa nakakakilabot na boses na iyon agad kong inangat ang paningin ko at nakita ko ang nakangising mukha ni billy pero agad din nawala at napalitan ng galit. ang sumunod na nangyari ay hindi ko na alam dahil binalot ako ng madilim na paligid at kasunod nun ay unti-unting bumigat ang mga mata ko.

~End of flashback

"Nasan na?" rinig ko ang malanding boses ng isang bakla sa likuran ko.

Room 69 (R-18)Where stories live. Discover now