Chapter 5: Family Lunch

4.6K 71 2
                                    

Atascha's POV

1 month had passed simula ng makauwi kami dito sa pilipinas, mabuti na lang at bakasyon pa kaya hindi ako mahihirapan i-enrol ang kambal sa isang private school ayon na din kay papa. ako naman ay magsisimula ng pamalahaan ang EMN FASHION WORLD company na dapat ay sa akin noon pa man kung hindi lamang ako nagbuntis ng maaga pero hindi ko naman pinagsisisihan yun dahil maganda naman ang ibinunga nito. napangiti ako, pinangalan ko na kasi samin tatlo ng kambal ang kumpanya.

"Mom" Nakita kong nagkukusot ng mata ang bagong gising na si marcus. lumuhod naman ako sa kanya at nginitian sya, syempre pokerface nanaman ang batang to.

"Bakit ang aga mo yata magising ngayon?" Hinalikan ko sya sa pisngi na lalong kinayamot nya at inirapan ako.

"Hindi pa kasi ako nasasanay eh, i'll find my room so huge but comfortable" Nakita ko naman ngumiti sya kaya lumabas ang dalawang malalalim nyang dimple.

"It's okay! kasi di ba big boy kana?" Sabay na kaming bumaba para kumain ng almusal.

"Good morning my handsome boy!" Bakit ang aaga naman gumising ng mga tao ngayon?

"Bakit ang aga mo din gumising mom?" Nginisian naman nya ako at umupo na sa katapat kong upuan.

"Pupunta kami ng papa mo sa california para sa conference meeting, one week lang naman yun" Tumatango tango naman ako.

"Pupuntahan ko lang si Natashia, para makapag-almusal na din" Akmang tatayo na ako ng pigilan ako ni mama.

"6 am pa lang naman hija, mamaya mo na gisingin" Umupo ulit ako at nagsimula na kaming kumain.

"Oo nga pala, ngayon kana mag uumpisa para sa emn di ba?" nag angat ako ng tingin kay mama at tumango.

"Kinakabahan nga ako ma, paano kapag hindi nila ako pinagkatiwalaan? bago pa lang ako sa bussines world lalo pa kilalang kumpanya to" napanguso ako kinakabahan talaga ako.

"Ano ka ba! sa una lang yan, masasanay ka din. saka tutulungan ka naman namin" Kahit papano lumakas ang loob ko sa sinabi ni mama, nandyan nga naman sila para sakin.

"Where's dad?" Agad kong tanong ng mapansin wala pa sya dito

"Nasa taas pa, alam mo naman sampung beses kung tingnan ang mga dadalhin nya" natawa kami sa sinabi ni mama at umiling.

At airport

"Take care ma, dad" Mabilis ko silang yinakap pagkatapos ay parehas nilang binuhat at gigil na hinalikan ang kambal. pasimple naman pinunasan ni marcus ang pisngi

nyang hinalikan ng lola nya natawa ako.

"Mag-iingat din kayo, my mga bodyguard akong magbabantay sa inyo" Tango naman ang sinagot ko sa kanila at sabay na silang tumalikod samin at kumaway.

"Let's go kiddos!" Hawak-kamay kaming lumabas ng airport, nakakamiss agad kahit na two weeks lang silang mawawala.

"Hi!" Bumalik ako sa ulirat ng marinig ko ang matinis na boses ni natashia sa tabi ko, at ng tingnan ko ang binati nya ay nagulat ako dahil ang lalaking nasa harapan ko ay yung nag-abot ng nawawalang manika noon ng anak ko.

"Hello little lady, my i know your pretty name?" lumuhod pa ang lalaki sa harap nito at matamis itong nginitian.

"Hi my name is Natashia elijah!" Bibo pang sabi nito sabay baling naman nya kay marcus na namumula na sa inis ang mukha, mas malapad nya itong nginitian.

"How about you high-tempered but handsome boy like me?" nakita ko ang pag-irap nito sa lalaking nasa harap nya at hinila na ako.

"Hey! wait" Lakad takbo humabol samin ang mala-adonis na lalaking ito, nailang naman ako dahil marami na kaming nakukuhang ibang atensyon dito.

Room 69 (R-18)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें