Chapter 13

283 10 0
                                    

Marco’s POV

“Hon, dahan-dahan ang higa” Inalalayan ko si janell sa paghinga nya dahil nagrereklamo syang masakit na ang balakang nya.

Malapit na talaga lumabas si baby, ramdam ko na sya” Ngumiti sya sakin at hinalikan ko sya sa labi. “Sige na, ikaw muna bahala sa kambal. Hinanda ko na din naman yung mga gamit nila pamasok sa school”

“Dapat hinayaan mo na akong gumawa non hon, saglit lang ako” Tango na lang ang sinagot nya bago ako lumabas sa kwarto namin.

Isang buwan na din ang nakaraan at nandito na kami sa mansion ko. Hindi pumayag ang mga magulang nya na hindi kami magsama para daw makapag-usap kami sa lahat ng nangyari. At dahil sa kalagayan ni janell ay ako muna ang gumagawa ng lahat dito sa bahay pati ang pag aasikaso sa kambal at sa kanya. Hindi muna ako pumasok sa kumpanya para mapunan ko lahat lng pagkukulang ko sa kanila.

”Dadadi! Bath time na ba tayo?” Nakita kong lumabas ng kanyang kwarto si natashia habang hawak ang maliit nyang roba.

“Yes baby” Kinarga ko sya papasok sa banyo nya at inupo sa bath tab.
“I love you daddy! Susunduin nyo po ba kami mamaya?” Inosente nyang tanong

“Lagi ko naman kayo susunduin baby, pero hindi muna tayo magma-Mall ha, malapit na kasi manganak si mommy” Hinalikan ko sya sa ilong at ibanalot na sa roba nya.

“Okay, ako na po magbibihis dadadi, sabi kasi ni mamami dapat daw matuto na kami” Tumango ako at saktong pagbukas ng pinto ay pumasok si Marcus na nakakunot ang noo.

“Ako na lang din ang maliligo sa sarili ko dad”

“Okay, wag lang magbabad ng matagal sa tubig ha” Tumango lang sya at tumakbo na pabalik sa kanyang kwarto.

“I’m finish dad!” Sinuklayan ko ang buhok nya at sabay na kami na lumabas ng kwarto.

“Marco!!!!” Agad kong binuhat si natashia at humahangos na pumasok sa kwarto naming ni janell. “Manganganak na ako!” Natatarantang binaba ko si natashia at kinuha ang mga gamit na hinanda naming nung isang lingo.

“Baby, si Tito Marvin na ang maghahatid sa inyo ni kuya sa school ha” Tango lang ang sagot nya. Agad kong binuhat si janell palabas. “Manang minda, pupunta po si Marvin ditto, siya na bahala sa kambal”

“Oo sige, mag-iingat kayo” Hinawakan pa muna nya ang kamay ni janell bago kami bumaba sa hagdan.

“Mamami! Fighting!” KInawayan sila ni janell at lumabas na kami ng pintuan.

At hospital~

Excuse me! Pakiuna naman ang asawa ko” Agad kami dinalhan ng hospital bed at pinahiga si janell. “Dahan-dahan”

Sumama ka sakin sa loob hon, ngayon lang kita makakasama sa panganganak ko” Nawala ang pangamba ko sa sinabi ni janell, ngumiti akong tumango sa kanya.

“Sige pa Misis, Ire pa!” Lalong humigpit ang hawak sakin ni janell habang patuloy syang umiire.

“Ahhh!!! Ahhhh!”

“Malapit na misis, unti pa! nakakapa ko na ang ulo ng bata” Hinalikan ko ang tuktok ng ulo nya at pinalalakas ang loob nya.

“Hindi ko na kaya, Ahhh!!!”

“It’s a girl” Inangat na ng doctor ang bata. Pumatak agad ang luha ko ng Makita ko sya.

“Waaaa! Waaaa!” Inasikaso agad ng doctor at ilang nurse ang anak ko.

Room 69 (R-18)Where stories live. Discover now