Chapter 9

2.2K 69 20
                                    


Janell's POV

Nagising ako ng maramdaman ang mainit na bagay sa binti ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nagising ako ng maramdaman ang mainit na bagay sa binti ko. Agad akong bumangon at akmang tatayo ng muli akong mapahiga dahil sa nakatali kong mga kamay, My body feel numb. I silently cursed naalala ko ang nangyari bago ako mawalan ng malay, ang huling salitang narinig ko kay aldrin. Ang hayop na lalaking yun! hindi ako makapaniwala na nagawa nya akong lokohin at pagsamantalahan sa pangalawang pagkakataon. Muling nabuhay ang galit ko at mas lumala pa ito, sigurado akong plinano nya lahat ng ito at sa sobrang katangahan ko hindi ko man lang ito napansin. Dumausdos ang hindi inaasahan luha sa pisngi ko, gusto ko itong punasan pero nakatali ang kamay ko. Sana noon pa lang napansin ko na ang maganda nyang pakikitungo sakin, ang mga ngiti nya, at ang ilang mga bagay na alam nya tungkol sakin. Napakatanga ko para isipin na iba sya sa mga lalaking nakilala ko, na si marco na ang pinakasamang lalaki na nagsamantala sakin. Sa sobrang katangahan ko at uhaw sa pag-ibig hindi ko napansin na iisa lang sila. Gusto kong saktan ang sarili ko, nahihiya ako para sa mga anak ko dahil sa pangalawang pagkakataon ay nagkamali nanaman ang nanay nila.

Agad akong napatigil ng dahan-dahan bumukas ang pintuan, at kahit ayokong makita ang pagmumukha ng hayop na lalaking yun ay hindi ko ito mapipigilan dahil sya ang pumasok dito.

"Gising kana pala" Kaswal na sabi nya.

"Hayop ka! hayop! pakawalan mo ako dito!" Gigil kong sabi, halos sumama sa akin ang headboard ng kama dahil sa biglang paggalaw ko.

"Huminahon ka atascha! hindi ko gustong itali ka dyan" Mahinahon sabi nya. "Pero alam kong hindi ka makikinig sa paliwanag ko kapag hindi ko ginawa yan"

"Hinding hindi na ako maniniwala sa mga sasabihin mo! Kaya hayaan mo na akong umalis dito!" Pilit kong hindi tingnan ang nagsusumamong mukha nya. alam kong arte nya ang lahat ng ito para makuha ulit ang loob ko! pero hindi na ako magpapaloko ulit.

"Makinig ka" Naramdaman ko ang marahan nyang kamay na hinaharap ako sa kanya pero hindi ko ito ginawa. "Please honey"

"Lumayo ka sakin! nandidiri ako sayo! wala kang katulad!" Dinuraan ko sya sa mukha. "Serves you right! kulang pa nga yan sa lahat ng panloloko mo sakin! Isang kang hayop!" Lumayo ako sa kanya.

"Wag mong sagadin ang pasensya ko janell!" Nagulat ako ng hilain nya ko sa braso at ilapit sa mismong mukha nya. "Alam kong my kasalanan ako, pero hindi ba pwede na pakinggan mo muna ang sasabihin ko?" Nagpipigil na sabi nya. "Yan ang hirap sayo, inuuna mo ang galit mo"

"Wala kang alam sa pinagdaaanan ko marco!" Sigaw ko sa kanya. "Nagmakaawa ako sayo hindi ba? Pero anong ginawa mo? Inuna mo yang libog sa katawan mo! Sinira mo ang buhay ko! ikaw ang dahilan ng lahat!" Hindi ko na napigilan umiyak sa harap nya, akmang pupunasan nya ang mukha ko pero umiwas ako.

"Pero my magandang naging bunga hindi ba? anak ko ang kambal" Tipid syang ngumiti, hindi na ako nagulat ng sabihin nya iyon dahil hindi naman nalalayo ang mukha nila ng kambal. "Isipin mo janell, sino ba ang puno't dulo nito? Sino ang nagdala sayo sa room 69?" Hindi ko naiwasan mapaisip sa sinabi nya. Tama sya, kung hindi ako dinala ni billy duon ay hindi masisira ang buhay ko. Pero wala na akong balita sa kanya kahit sa tatay nyang pinakulong ni daddy. Pero ayokong sabihin sa lalaking nasa harap ko ang lahat dahil nawalan na ako ng tiwala sa kanya.

Room 69 (R-18)Where stories live. Discover now