Chapter one : interview

20.9K 180 3
                                    

***News 

"Mga kasambahay na namasukan sa Pamilya Perez sa Maynila nawawala. Mga imbestigador muling iimbestigahan ang kaso ng misteyosong paglalaho ng mga katulong"

**Interview 

Tanong: Ano po ba ang alam niyo tungkol sa pagkawala ng mga katulong na namamasukan sa mga Perez? Maari niyo po ba kaming bigyan ng mga impormasyon ukol sa kasong ito??

"Simula noong 1998 lahat ng pumapasok na kasambahay sa mga Perez ay nawawala. Madaming mga kamaganak ng mga katulong ang nagpupunta sa kanila ngunit kahit sila ay walang alam kung saan nga ba nagpupunta ang mga nakakasama nila sa bahay. Kaya madami ng natatakot mamasukan sa kanila" -Zeny Bartolome, matagal ng kapitbahay ng mga Perez

"Madami nang nagimbestiga ukol sa issue ng pagkawala ng mga katulong diyan kaso ni isa sa kanila di nagtagumpay. Naniniwala ako na di ito krimen ito ay isang kababalaghan" Arturo Victorio, dating hardinero ng mga Perez

Tanong: Wala po ba kayong napapansin na kakaiba sa kinikilos ng mga Perez? or kakaiba dito sa bahay nila?

"Tuwing gabi at dumadaan ako sa bahay nila ay mabigat ang pakiramdam ko... madalas rin akong makarinig ng parang babaeng umiiyak kaso imposible naman na diya yun galing dahil simula ng mamatay ang padre de pamilya ng mga Perez ay unti unti ng umalis ang mga nakatira sa bahay na yan. wala na ring naglalakas loob na pumasok diyan bilang caretaker or katulong dahil nga sa balitang naglalaho ang mga babaeng pumapasok o nagtatrabaho dyan." -Melchor Cruzat, Matandang kapitbahay ng mga Perez

"madalas kaming nakakarinig ng umiiyak na babae at humihingi ng tulong doon sa bakuran nila sa likod" Abi Valdez, Dalagang madalas mapadaan sa bahay ng mga Perez

tanong: Ano po ba ang mga nakuha at nalaman niyo noong nagimbestiga kayo dito?

"base sa pagsasaliksik namin, si Feliza Hernandez ang huling kasambahay na di nawala. Sumunod sa kanya si Mariah Madriaga siya ang unang katulong na naglaho. Pagtapos ng pagkawala ni Mariah lahat na ng katulong na pumapasok dyan ay nawawala." Ricardo Gallardo, pulis na dating nagsaliksik ukol sa kasong ito

"Nang makausap ko ang mga kamag-anak ni don Rodolfo Perez sabi nila nawala daw si Mariah pero naiwan ang mga gamit nito. At mga ilang araw pagkawala ni Mariah ay namatay si Don Rodolfo." 

-Mario Casitas,

"Pinaghihinalaan nga ng mga kamaganak ni Don Rodolfo na si Mariah ang pumatay kay Don Rodolfo. Tingin nila may nilagay 'to na kung ano sa mga gamot ni Don Rodolfo dahil balak niyang mamatay ito at para hindi siya mapagbintangan ay umalis ito. Walang kasigaduruhan kung totoo eto pero posible nga na ito'y totoo." -Danilo Escudero, investigator na nagimbestiga din tungkol sa kasong pagkawala ng mga katulong

"nang marinig namin ang pahayag na ito ay hiningan namin ng pahayag ang pamilya ni Mariah. Sabi ng mga magulang niya simula daw ng mamasukan doon si Mariah noong 1997 ay di na nila ito nakita pero nagpapadala ito ng pera at sulat. Pero noong Marso ng 1998 ay di na siya nagpadala ng kahit ano. Pinuntahan nila si Mariah ng mag Agosto na ngunit pinagbawalan silang pumasok dito. Nalaman na lang din nila ng si Mariah ang pinagbibintangan na pumatay kay Don Rodolfo. Hangang 1999 ay hinanap nila si Mariah ngunit di talaga nila ito nakita" Macario Lanuza, isa ring imbestigador

Tanong: Natry niyo na po ba mag imbestiga sa loob ng bahay nila?

"oo kaso limitadong oras lamang ang binibigay samin ng mga kamaganak nila. dahil nga sa wala naman progreso ang aming pagiibestiga ay pinatigil na kami. Halos 5 taon na kami nagimbestiga kaso wala talaga kaming makitang mga gamit o ano na pwede naming magamit upang malutas ang kaso. At ngayong 2007 nalang muling may nagimbestiga ukol dyan at kayo yun." Patrick Alvarez, imbestigador rin

**end of Interview

The Revenge of the Raped GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon