Chapter nine : The investigator's dream

7.1K 110 0
                                    

Pagkalipas ng ilang araw pagkatapos ng pagsapi ni Mariah sa kapatid niya at paglalahad ng nangyari ay inilibing na namin sya at pinadasalan. Habang nagdadasal kami sa puntod niya ay may hanging dumaan at may nagsabi ng salamat. Pagtapos nun ay umulan. Sumilong kami saglit sa isang maliit na kubo, paglipas ng ilang minuto ay umuwi na kami.

***

Mag-isa ako ngayon sa kwarto. Ang saya ko dahil kahit papano ay parang nabigyan ko at ng aking mga kasama ng hustisya ang pagkamatay ni Mariah. Ngunit may kailangan pa akong sagutin na tanong...

Ano ang nangyari sa ibang katulong? Asan sila? Ano ang nangyari sa kanila?

Nakatulog ako habang iniisip ang mga yan.

***

AKO. Ako ang may kasalanan kung bakit nawala ang mga katulong... ngagalit ako.. nagagalit ako sa mga ginawa nila sa akin kaya yoon ang paraan ko para makaganti.

Hindi ko ginustong gawin yun.............

pero yun lang ang paraan para mapagbayad ko ang mga nagkasala sa akin.....

alam ko na hindi sila ang gumawa nito sa akin at hindi sila dapat ang paghigantihan ko......

pero hindi ako papayag na ako lang ang makaranas nito.....

hindi ako nagpahanap sa mga nagimbestiga sakin dati dahil alam ko na hindi talaga ang pagbibigay ng hustisya sa pagkamatay ko ang pakay nila....

hinahanap nila ako dahil utos ito ng mga Perez para tuluyang ipatapon ang bangkay ko at upang palabasin sa publiko na concerned sila sa mga nangyari..... Pero lahat ng ginagawa ng mga imbestigador na paghahanap ay pawang PAGPAPANGAP AT KASINUNGALINGAN lamang....

Alam nila ang tunay na anngyari ngunit kahit isa sa kanila ay hindi umamin o nagsalita dahil ayaw nilang mabahiran ng dumi ang pangalan ng mga Perez.....

Nakita nila ang video kung saan hinalay at minaltrato ako ni Don Rodolfo....

Pero wala silang ginawa....

Simula ng mamatay ako noong Marso 24 ay nagsimula na ako maghiganti at di na napayapa ang kaluluwa ko....

Nagsimula ako maghiganti kay Don Rodolfo, dinalaw ko siya sa panaginip niya.....

Piangbantaan ko siya.....

Pinatay ko ang taong pumatay sa akin sa pamamagitan ng panaginip...

Namatay siya dahil siya ay nabangungot....

Masyadong napuno ng galit ang puso ko at wala akong ibang gustong gawin kung hindi maghiganti.

Lahat ng sumunod na katulong pagtapos ko ay

PATAY NA

WALA NA SILA

NAGPAKAMATAY SILA

tuwing 24 ng kahit anong buwan ay dinadalaw ko sila....

minamanipula ko ang isip nila at pinipilit ko sila na magpakamatay....

tuwing 24 ng gabi ay nagbibigti sila sa mismong lugar kung san ako ginahasa......

nung una ay pinaimbestiga nila ang nangyari sa mga pulis na kasabwat nila.....

nang paulit-ulit itong nangyari sa mga katulong tuwing 24 ng kahit anong buwan ay nagsawa na sila hanapan ng sagot ang milagrong nangyayari

di nila ito pinaalam sa kahit kanino dahil wala silang panahon na magpaliwanag at tuunan ng pansin ang nangyayari sa mga katulong

Ayaw rin nilang malagyan ng masamang imahe ang pamilya nila kaya't di na nila 'to pinaalam sa kahit kanino....

tinapon nila ang mga bangkay ng mga kasambahay na namatay sa lupa nila sa Ilocos...

ito ang dahilan kung bakit di na sila muling nakita.....

Alam ko na mali ang ginawa ko....

hindi ko dapat sila pinilit patayin ang sarili nila dahil wala naman silang kasalanan sa akin.....

Para kase sa akin nun... 'ano naman kung di makatarungan ang ginagawa ko sa kanila eh di rin naman makatarungan ang ginawa sa akin'

Pero ngayong may naghanap na sa akin na mga taong nais talagang bigyan ng hustisya ang pagkawala ko at ng ibang katulong ay pagbibigyan ko kayo.....

Nagsisi na ako sa ginawa ko sakanila....

Sana ay hanapin niyo ang katawan nila at ibalik sa pamilya nila upang tuluyan na silang mapayapa gaya ko.....

Tulungan niyo ako na itama ang maling nagawa ko sakanila...

pagbigyan niyo sana ako sa hiling ko....

Maraming salamat..

****

Nagising ako pagtapos niyang maglaho sa panaginip ko.

Parang totoo ang lahat ng napaginipan ko.

Kailangan ko na lang tignan kung totoo nga ang mga ito...

-------

SORRY FOR THE VERY LATE UPDATE.

MALAPIT NA MAG ENDING WOOH

KEEP ON READING THE STORY :))

I'M PLANNING TO WRITE ANOTHER STORY AFTER THIS, LOVE STORY NAMAN :))

The Revenge of the Raped GirlWhere stories live. Discover now