Chapter five : Mariah's Diary

8K 123 0
                                    

Tinanong namin sina Mang Mars at Aling Anjelica kung sa anak ba nilang si Mariah ang diary na ito. Ito nga'y pagmamay ari ni Mariah. Hiniram nila ito at tinanong kung pwede ba nila itong basahin. Pinayagan namin sila dahil maaaring andito ang mga kasagutan sa mga tanong sa aming isipan.

Habang binabasa ang diary ni Mariah ay may di maipaliwanag na emosyon ang mukha nila. May halong galit, lungkot, awa, ang kanilang itsura.

Pagkatapos nito ay umiyak na si Aling Anjelica. Pinayuan kami ni Mang Mars na wag nang itanong kung ano man ang nabasa nila dahil di nila magawang ilahad ang masaklap na pinagdaanan ni Mariah. Sabi niya ay kami nalang daw ang bumasa nito. Pagkatapos ng paguusap namin ay umalis na kami. Iba ang kutob ko sa nilalaman ng diary na ito dahil sa naging reaksyon ni Aling Anjelica at Mang Mars.

Pagkadating namin sa opisina ay agad naming binasa ang diary ni Mariah....
Kami rin ay hindi makapaniwala sa nabasa namin sa diary niya.... naaawa kami sa kanya.... mukhang medyo alam na namin ang dahilan ng pagkawala ni Mariah ngunit ano naman kaya ang nagyari sa iba pang katulong? 

___________________________________________________

The Revenge of the Raped GirlWhere stories live. Discover now