Chapter ten : the end of her revenge

7.9K 143 11
                                    

di na ako makatulog dahil sa panaginip ko....

tinawagan ko ang isa sa mga katrabaho ko at kwinento ang napaginipan ko....

Kinabukasan nagpatawag ako ng meeting kasama ang mga kasama ko na nagiimbestiga sa kaso ng pagkawala ng mga katulong....

Agad ko sa kanilang kwinento ang napaginipan ko at tinanong ang mga idea, analysis, or suggestion nila.

Silang lahat ay handang tumulong sa paghahanap sa katawan ng iba pang katulong.

Una, ay pumunta muna kami sa pamilya ni Mariah upang sabihin ang aking mga napaginipan.

Yung iba kong kasama hinanap ang mga kamag-anak ng mga namatay na katulong at sinabi ito.

Bago kami magpunta sa lupain o hacienda ng mga Perez ay nagpunta muna kami sa puntod ni Mariah at nagdasal. Sana pagtapos namin tuparin ang huli niyang hiling, 'ang hanapin ang katawan ng mga katulong na napatay niya dahil sa galit niya at bigyan sila ng hustisya' ay matahimik na ang kanyang kaluluwa.

Pagdating namin sa lupain ng mga Perez ay nagulat kami..

Malaki ito...

Maganda...

Kaso mukahnag abandonado na...

Kahit anong ganda nito ay parang napapalinutan ito ng masasamang elemento...

Bago namin simulang hanapin ang mga bangkay nila ay nagdasal muna kami at humingi ng patnubay sa Panginoon.

Mukhang mahihirapan kami hanapin ang bangkay ng mahigit 30 na katulong na namatay at nawala dahil sa laki ng lupa na ito...

Ngunit parang sila mismo ay gusto ng makalaya sa impyern*ng pinagtaguan sa kanila...

"hanapin niyo kami"

"Ibalik niyo ang katawan namin sa pamilya namin"

"bigyan niyo sana kami ng hustisya"

"Tulungan niyo kami.. wala kaming ginawa sa kanya (Mariah)"

"Hindi kami ang pumatay sa kanya"

"TULOOOOOONG!"

ang dami naming naririnig na boses ng mga umiiyak na babae at humihingi sila ng tulong...

hinanap namin kung saan nangmumula ang mga boses na naririnig namin hangang sa mapadpad kami sa parang gubat...

naglakd lakad kami at habang papalapit kami sa parang balon ay palaks ng palakas ang mga iyak...

****after almost 5 hours of rescuing their bodies*****

"salamat"

paulit ulit naming naririnig ang salitang iyan. Masaya kami dahil nahanap na namin ang katawan nila at sa wakas ay makakamtan na nila ang HUSTISYANG inaasam nila.

pagdating namin sa office ay andun na ang mga kamag-anak nila...

pinasundo namin sila sa mga iba pa naming kasama upang makita na sila ng mga kamag-anak nila na matagal nangulila sa pagkawala nila...

**linggo**

sakto 5 araw pagkahanap namin sa kanila ay inilibing na namin sila sa sementeryo kasama ang mga kapamilya nila...

silang lahat ay pinagsamasama na namin sa iisang hukay dahil ang iba sa kanila ay di na makilala...

***

Isang buwan na ang lumipas pagkatapos namin mautas at mahanapan ng sagot ang pagkawala ni Mariah at ng iba pang mga katulong...

Sa ngayon ay nagkakaroon na ng haering dahul sinampahan namin ng kaso ang mga Perez dahil sa pagtatago sa katotohanan at sa pagkamatay ni Mariah dahil sa kamag-anak nila..... di ko alam kung makukulong sila pero masaya kami dahil kahit papaano ay sinubukan namin na parusahan ang may sala at natulungan namin ang mga biktima na maging mapayapa na...

Ngayon ay naguusap usap kaming magkakatrabaho sa office tungkol sa kaso ni Mariah at ng mga katulong... Natutuwa sila dahil naging parte sila ng misyong ito... sa ngayon ay napromote kami dahil pagkatapos ng ilang taong paghahanap ng kasagutan sa pagkawala ng mga katulong ay nabigyan na ito ng kasagutan....

napatingin kami sa lamesa....

andoon ang isang video tape....

pinanood namin ito....

ITO ANG VIDEO NG PANGHAHALA NI DON RODOLFO KAY MARIAH

Agad bumukas patay ang ilaw...

at nag black and white ang tv...

may narinig kaming nagsasalit ng parang mula sa tv..

"Wag niyo nang panuorin kung ayaw niyong kayo naman ang sunod kong paghigantihan..."

biglang may lumabas na picture ni Mariah sa Tv at may nagsalitang muli

"Maraming salamat dahil hinanap niyo ako at ang mga naging biktima ng paghihiganti ko... pinagsisisihan ko na ang ginawa ko at napatawad ko ang ang mga gumawa sa akin nito.... maraming salamat sa inyo.. patayin niyo na ang tv.. at wag niyo ng panuorin.. salamat muli.. paalam"

Nagulat kaming lahat sa narinig namin at napangiti..

Sa wakas mapapayapa na si Mariah Madriaga

agad naming pinatay ang TV

Pagtapos ng insidenteng iyon ay di na siya muling ngaparamdam

_____________________________________________________

TAPOS NA PO!!

SALAMAT SA LAHAT NG BUMASA :)) <3

I'LL WRITE ANOTHER SHORT STORY "MY GHOST LOVER" DI PO YAN HORROR, SUPORTAHAN NIYO RIN HA? <3 SUPER THANK YOU POOOO <3 :*****

@awwiah

The Revenge of the Raped GirlWhere stories live. Discover now