Chapter seven : her body

8K 119 5
                                    

Kinabukasan nang umaga ay pumunta ulit kami sa bahay ng mga Perez. Una naming pinuntahan ang bakuran dahil sa drawing na nakita namin sa diary niya at naalala rin namin ang statement ng ilan sa mga nainterview namin na madalas silang makarinig na may umiiyak sa may bakuran.

Malawak ang bakuran, hindi namin alam kung saan dito ang katawan niya. Yung iba naming kasama naman ay nagimbestiga sa loob ng bahay.

Bago namin simulan ang paghahanap ay nagdasal muna kami.

Mga ilang oras na kaming naghahanap ngunit hindi talaga namin alam kung san banda dito sa bakuran ang katawan niya. Paalis na sana kami ng biglang may dumaang hangin na malakas. Napatigil kami dahil sa bakuran lang may hangin paglipas ng ilang minuto ay may narinig kaming iyak ng babae....

"tulungan niyo ako"

paulit-ulit yan na sinisigaw ng babae habang siya'y umiiyak. Palakas ng palakas ang iyak habang palapit kami ng palapit sa pinangangalingan ng iyak. Ang boses ng babae ay mula sa dulong bahagi ng bakuran. Pagdating namin dun ay tumigil na ang iyak... bago pa namin simulan ang paghahanap ay may bumulong samin... "tulungan niyo ako..." pagkatapos naming marinig iyon ay nagsimula na kaming maghukay... mukhang napabayaan na ang lugar na ito kaya siguro di na nila nalaman na andito ang katawan ni Mariah....

Matapos ang ilang oras ng paghuhukay ay may nakita kaming malaking kulay blue na drum..... inangat namin to at binuksan....

pagkabukas namin ay nalaglag ang panga namin sa nakita namin

may nakita kaming bangkay ng isang babae.... may lamang tubig yung drum...

mukhang puno ito ng tubig dati atsaka nilagay ang babae at tsaka tinakpan at binaon sa lupa.....

pagkakuha namin sa bangkay na aming nakuha ay nagtirik kami ng kandila sa lugar kung saan namin sya natagpuan at nagdasal.. ilang minuto pa ay may malamig na hangin na naman na dumaan... pagtapos nito ay may bumulong ulit samin

"maraming salamat"

kasabay nang pagsabi niya nito ay may nakita akong parang luha na tumulo sa may parteng mata ng bungo ng bangkay.... eto nga si Mariah.....

-------------

ano ba ang meron kay mariah?

asan na ang iba pang kasambahay na nawala?

anong next na mangyayari? ABANGAN.

Vote&Comment. <3

The Revenge of the Raped GirlWhere stories live. Discover now