Chapter 8 : What really happened

8.2K 114 3
                                    

Pagkakita namin sa katawan ni Mariah ay agad namin itong dinala sa opisina upang masuri ang katawan niya at upang malaman kung anong ginawa sa kanya bago siya ilagay dun sa drum at halos parang ilibing ng buhay...

Paglipas ng isang araw ay tapos ng masuri ang katawan niya

Minaltrato at pinagsamantalahan daw siya bago ilibing at patayin...

naisipan namin na ipaalam ito sa pamilya ni Mariah.... natuwa sila dahil nahanap na ang katawan ng anak nila ngunit malungkot sila dahil sa dinanas ng anak nila at galit sila sa gumawa nito sa kanya...

Gusto nilang makausap ang anak nila........ gusto nilang malaman kung ano ba ang ginawa sa kanya doon..... naisipan nila na tumawag ng isang paranormal expert o yung mga taong may kakayahan na kumausap ng isang kaluluwa......

***kinabukasan

Ngayong araw na 'to susubukang kausapin ng isang paranormal expert si Mariah....

nakahanda na ang lahat ng gamit ng gagamitin upang makausap siya tulad ng mga gamit na ginagamit sa spirit of the glass....

pinatay na namin lahat ng ilaw....

sinindihan ang mga kandila sa gitna...

bumuo kami ng bilog at pinalibutan ang kandila sa gitna....

una ay nagdasal muna kami.....

paglipas ng ilang minuto ay sisimulan na sana namin ang pagsubok na makausap siya ngunit biglang namatay ang kandila sa gitna... lumamig sa loob ng kwarto kung saan kami nagtipon.....nagdasal kami...

paglipas ng ilang minuto ay bumukas ang ilaw... ang kapatid na babae ni Mariah ay biglang tumayo at pumunta sa gitna... nagulat kami sa sunod niyang ginawa.... sinalaysay niya lahat ng sagot sa aming katanungan.... sumanib ang kaluluwa ni Mariah sa katawan niya..... mukhang pati si Mariah ay nais ipaalam sa pamilya nya ang nangyari sa kanya at nais nyang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya....

"Ako si Mariah Madriaga. 14 years old. Anak ako nila Anjelica at Mars Madriaga. Mahirap lamang kami at madami kaming magkakapatid kaya bilang panganay ay nagtrabaho ako sa mura kong edad. Pebrero 17,1997 nang mamasukan ako bilang katulong sa mga Perez.... malaki ang sahod doon kaya tinangap ko agad kahit alam ko na medjo mahirap ang magiging trabaho ko... mabait naman sila..... Si Don Rodolfo at ang asawa niya ay tahimik lamang at tutok sa trabaho...

Ang mga kamag-anak nila ang masama. Si Don Fausto, siya ang unang nagmaltrato sa akin....pinagtangkaan niya akong gahasain dati ngunit di natuloy dahil pumasok ang asawa niya sa kwarto. Akala ko ay magagalit siya sa asawa niya ngunit sakin siya nagalit. Sinampal niya ako at sinabihang malandi. Akala niya ay inaakit ko ang asawa niya...

nagpapasalamat ako dahil hindi natuloy ang balak ni Don Fausto. Ngunit hindi pa pala tapos ang aking kalbaryo...... noong nagkaroon ng kasiyahan sa bahay ni Don Rodolfo ay nandun muli si Don Fausto..... natuloy ang pagtatangka niya sa akin dati... ginahasa niya ako... sumisigaw ako noon ngunit walang nakakarinig... sinubukan kong kumawala ngunit masyado siyang malakas... pagtapos nang ginawa niya ay wala akong ginawa kung hindi ang magdasal at umiyak..... iniisip ko na lamang na lahat ng gingawa ko ay para sa pamilya ko.. sila at ang Diyos na lang ang pinagkukunan ko ng lakas... maraming beses niya 'tong paulit ulit na ginawa sa akin..binaboy niya ako... tinangka kong magsumbong dati kaso... naaalala ko ang sinabi niya na... pag nagsumbong ako o may pinagsabihan ako ng ginawa niya ay.... papatayin niya ang pamilya ko... alam kong hindi imposible na magawa niya ito.. masyadong makapangyarihan ang pamilya nila....

Si Don Arthur.... siya ang anak ni Donya Peralta.... mahal ko siya... mabait siya.... madalas niya akong tulungan... tuwing makikita kami ni Donya Peralta na naguusap ay nagagalit siya sinasampal niya ako at sinasabihan ng kung ano ano pagkatalikod ni Don Arthur.... sinasabihan pa niya ako na kung kailangan ko daw ng pera ay sabihin ko lang sa kanya wag ko lang landiin ang anak niya.. alam ko naman na hindi kami pwede ni Don Arthur dahil mayaman siya at mahirap ako.... pero di kailangang hadlangan ang pagkakaibigan namin.... masyado ng nadudumihan ang pangalan ko dahil pinagkakalat ni Donya Peralta na malandi raw ako... wala akong magawa kailangan ko tiisin lahat ng iyon para sa pamilya ko... dumatin sa punto na umamin rin sa akin si Don Arthur na mahal niya ako... sinabi niyang kahit daw hindi kami ang magkasama habangbuhay ay ako pa rin ang mamahalin niya... aalis daw siya upang hindi na ako saktan ng nanay niya....

makalipas ang ilang taon ay nalaman ko na kinasal na siya kay Donya Elizabeth. Ipinagkasund siya dito ng nanay niya... alam ko sa mga ngiti niya na hindi siya lubusang masaya.... ngunit kailangan ko na siyang kalimutan at kailangan ko na maging masaya para sa kanya........ ang sait isipin na mahal namin ang isa't isa ngunit hindi kami pwede magsama...

kahit kasal na si Don Athur at di na kami nagkikita o naguusap ay sinasaktan pa rin ako ng nanay niya.. tuwing andito siya ay mag-uutos siya ng mag-uutos at sasaktan ako pag di ko yun nagawa ng tama at mabilis... minsan nga ay gusto ko ng sumuko :((( minsan ay gusto ko ng tumakas... kaso pag ginawa ko yun ay parang tinalikuran ko na rin ang responsibilidad ko sa pamilya ko....

Umalis na rin si Donya Peralta sa Pilipinas noong Enero 1998 at doon tumira kila Arthur.. may pamilya na siya at nasisiguro kong masaya na siya.... pagkaalis ni Donya Peralta akala ko ay matatapos na lahat ng hirap ko ngunit may mas malaking bangungot pa pala bukod sa ginawa sa akin ni Don Fausto, sa pagkawalay ko sa taong mahal ko, at sa pagmamaltrato sa akin ni Donya Peralta...

Pebrero 1998 nang mamatay ang asama ni Don Rodolfo... pagkamatay ng asawa niya ay nawala ang dating Don Rodolfo na kilala namin.. lagi siyang lasing pag umuuwi... laging mainit ang ulo niya... lagi niya kaming binubugbog o sinasaktan tuwing may ayaw siya sa kinikilos namin o pag may mali kaming nagwa sa mga inuutos niya... lahat ng iyon ay tiniis namin ngunit dumating sa punto na ginagahasa niya AKO. Oo, ako lang ang ginahasa at pinagsamantalahan niya dahil daw ako lang ang bata at maganda....

tuwing gabi at tulog na ako sa kwarto ko ay bigla na lang siyang papasok at gagawin ang mga bagay na hindi dapat.... wala akong mapagsabihan.. tulad ng ginawa ni Don Fausto ay tinakot niya rin ako.. papatayin niya daw ang pamilya ko sa oras na magsumbong ako... alam ko na kaya niya itong gawin.. muli kong tiniis lahat ng pinag gagawa niya sakin para sa pamilya ko.... araw araw niya akong pinagsasamantalahan..... binaboy niya ako....

Marso 24, 1998 ito ang araw kung kelan inalis niya ang buhay ko... gabi noon at sobrang lasing siya.. umuwi siya ng galit na galit.. binugbog niya lahat ng madaanan niya sa bahay.. sobrang tako na takot kami.. pag dating sa akin ay kinulong niya ako sa kwarto niya... hinalay niya ako at binugbog ng sobra noong sinubukan kong magpumiglas.... alam ko noong puntong iyon na katapusan ko na.. umiyak na lang ako ng umiyak at nagdasal sa Diyos.. na sana ay proteksiyunan niya ang pamilya ko.. mahal na mahal ko sila.... noong nagaagaw buhay na ako ay di alam ni Don Rodolfo ang gagawin niya.. alam niya na siya ang unang pagbibintangan pag dinala niya ako sa hospital kaya't nialgay niya akong drum ng puno ng tubig.... kinulong niya ako dun upang masigurong mamamatay na ako... pagtapos nito ay binaon niya sa ilalim ng lupa ang drum....................

iyan ang dahilan kung bakit ako namatay.. pinatay niya ako.... pinatay niya ako!!!"

pagtapos ng rebelasyon ni Mariah ay biglang hinimatay ang kapatid niya, bumukas lahat ng ilaw, at may papel sa gitna... kinuha ko ito at binasa..

"maraming salamat sa paghahanap sa akin"

yaan ang nakasulat sa papel...... gabi na ng umuwi kami...

Isang katanungan pa din ang gumugulo sa isip ko

NASAAN ANG IBANG KATULONG?

________________________________________________________________

Wait for the next update :)

malapit na matapos 'tong story na 'to weee!

vote&comment <3

The Revenge of the Raped GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon