Chapter three : Investigation

9.6K 147 4
                                    

Ngayong araw na ito ay magiimbestig kami sa bahay ng mga Perez. Triny naming icontact ang mga may-ari nitong bahay ngunit wala kaming nakausap kahit isa dahil lahat daw ay nasa ibang bansa na. Pinasok nalang namin ang bahay sa pamamagitan ng pagakyat sa gate nito. Trespassing ito ngunit kailangan na talaga naming malaman ang sanhi ng pagkawala ng mga kasambahay ng mga Perez. Kailangan mabigyang linaw ang kaso na ito.

Pagkapasok namin sa bahay ng mga Perez ay wala namang kakaiba. Ito lamang ay makalat, maagiw, at madilim. Hindi ko alam bakit pero parang ang bigat sa pakiramdam ko sa bahay na 'to. Parang puno ng misteryo siguro ito ay dahil matagal ng walang nakatira sa bahay na ito.

Naghiwahiwalay kaming magkakagrupo. Una kong pinuntahan ang kwarto ni Don Rodolfo. Tinignan ko bawat isang cabinet at may nakitang bote ng gamot. Bigla ko naalala ang sinabi ng pamilya ni Don Rodolfo sa isa sa mga dating imbestigador. Sabi nila ay maaari daw na nilagyan ni Mariah ng kung ano ang gamot ni Don Rodolfo kaya ito namatay. Kinuha ko ang bote na 'to. Ito ay gamot para sa sakit sa puso. Ipapasuri ko kung may nakakamatay bang chemical o lason na nailagay dito. Habang naghahanap ako ng mga bagay o gamit na pwedeng magamit sa paglutas ng kaso ay bigla nalang lumamig sa kwarto, nagpatay sindi ang ilaw, sguro dahil matagal na itong di nagagamit. Aalis na sana ako ngunit bigla akong napako sa kinatatayuan ko at kinilabutan ng biglang may narinig akong bulong ng isang babae.

"ginawa ko lahat upang mapagsilbihan kayo ngunit anong ginanti niyo? pagbabayaran niyo 'tong lahat!!!"

yan ang linyang paulit ulit na binubulong ng babae. para bang may galit, paghihiganti, at lungkot sa kanyang boses.

Matapos ang ilang minuto ay natapos na ang ingay, bumukas ang ilaw, at naging normal ang temperatura.

Sino kaya ang babaeng bumubulong?

ano ang nangyari at ginawa sa kanya?

may kinalaman kaya ito sa kasong aming nilulutas?

~~~~~~~~

Guys 11:55 na so yung part 2 ng investigation bukas na lang. :D

vote & comment

haha

The Revenge of the Raped GirlWhere stories live. Discover now