Chapter 5: She who shouldn't be forgotten

162K 6K 4.9K
                                    

5.

She who shouldn't be forgotten

Maddy


Wala ako sa mood na umattend ng first subject kaya mas pinili kong maglakad-lakad muna at kilatisin ang buong Frostwind University. Okay rin naman pala ang lugar nato eh, andaming mga puno't halaman, ni halos wala nga akong makitang kongkretong pathway dito kasi kahit saan ako tumingin o umapak, walang meron kundi Bermuda grass. Pero kahit parang nature park ang lugar nato, modern parin naman ang mga building at facilities. They even have elevators and cctv.


Hmm... There's something about Eastridge city that's weirding me out, I'm not sure kung weird in a positive way or weird in a negative way. Tapos may kupal pa na nagpapadala sakin ng polaroid. Truth is, I'm confused. Hindi ko maintindihan ang nangyayari at hindi ko alam anong gagawin. Hindi naman sa natatakot ako pero hindi ko parin naman maiwasang kabahan lalo't mukhang may nakakaalam na sa sikreto ko maliban kay Mama at uncle bob. See, the skeletons in my closet are dangerous, they should stay there or else all hell will break loose...


Napabuntong-hininga na lamang ako nang mapagtanto kong masyado na akong sumobra sa paglilibot at wala na akong ibang makita kundi mga puno at isang maliit na kubo. Masyado na akong napalayo sa school buildings but oh well, mukhang tahimik naman at walang tao sa kubo, I like it.


Naks! Kakaiba rin 'tong kubong 'to ah, mukhang may second floor pa.


Gawa sa makapal na kawayan ang bawat haligi at dingding kaya hindi ako nagdalawang isip na umakyat sa maliit nitong hagdan at pumasok sa loob nito. Mukhang napaka-komportable dito, nakakagaan sa pakiramdam. Para tuloy nawala ang mga inaalala ko.


"Andito ka?" Nagulat ako nang biglang may magsalita kaya naman agad akong napatingin sa hagdanan.


"Ikaw pala..." Sabi ko na lamang saka ngumiti nang makita ko ulit yung babaeng parang ipinaglihi sa Christmas tree dahil sa dami ng hair clips na nakakabit sa ulo niya. Siya yung weird na highschool girl na sumalubong sakin. As usual, andun parin yung napakalapad niyang ngiti pero this time pulang-pula ang mga mata niya at halatang umiiyak siya, pilit lang niyang pinipigilan kasi andito ako. What's the deal with this kid? Sayang maganda sana kaso may pagka-aning nga lang.


"You're pink!" Masigla nitong sambit habang pinupunasan ang luha sa pisngi gamit ang mga palad. Curse this pink ribbon on top of my head... and the pink jacket that I'm wearing.


Ngumiti na lamang ako at tiningnan siya mula ulo hanggang paa, "And you're sky blue... wow." Sarkastiko kong sambit. Ngayon ko lang napansin, puro sky blue pala ang hair clip niya pati narin ang mahaba niyang medyas at bag na yakap-yakap niya.


"Sige mauna na ako, sorry sa distorbo." Sabi ko na lamang at aalis na sana pero laking gulat ko nang bigla siyang napatayo.


"Can you please just stay for awhile? It gets really lonely here..." Aniya at bigla na lamang naglabas ng isang lunch box mula sa bag niya, "I'll bribe you with dried mangoes if I have to..." Nakangiti niyang sambit pero sa kabila nito ay kitang-kita ko ang lungkot sa mukha niya. BuT dried mangoes? Okay, I'm sold.


"Loneliness is truer than forever, you gotta get used to it." Biro ko sabay ngiti. "If you don't want to feel lonely, why are you here all by yourself?" Hinubad ko ang kulay pink kong jacket at itinali ito sa bewang ko bago naupo sa tabi niya.

Skeletons in her closetWhere stories live. Discover now