Chapter 10: The thing about regrets

130K 5K 2.8K
                                    

10.

The thing about regrets

Maddy


"It's not real. You're just dreaming... Maddy wake up. Please wake up. You're dreaming... This is just a dream." Paulit-ulit kong sambit sa sarili ko habang pilit na pinipikit ang mga mata ko't tinatakpan ang tenga ko.


"Idilat mo ang mga mata mo! Maddieson panoorin mo ang gagawin ko!" Kasabay ng nakakabinging sigaw ni Mama ay naramdaman ko ang nangingnig niyang kamay na buong pwersang humawak sa ulo ko. Parang sasabog ang ulo ko sa sobrang sakit. Napakabigat ng pakiramdam ko. Parang nanigas ang mga kamay ko sa sobrang pagpilit kong kontrolin ang sarili ko. Ngunit kahit anong gawin ko, parang may sariling pag-iisip ang mga mata kong kusa na lamang dumilat.


Napanganga na lamang ako nang tumambad na naman siya sa harapan ko. Siya na lagi kong napapanaginipan.


Gaya ng dati, nakakadena parin ang dalawang paa niyang puno ng dugo't putik samantalang ang kaliwang kamay niya ay nakatali sa dingding. Umiiyak siya... Iyak siya ng iyak, takot na takot siya habang nagmamakaawa.


"Shh... 'Wag kang mag-alala, masasaktan ka lang ng sobra pero hindi mo muna ito ikamamatay... " Kaswal na sambit ni Mama gamit ang malambing niyang boses at tono ng pananalita dahilan para mas lalo siyang mapatili at umiyak.


Hindi ko maiwasang maguluhan dahil sa suot niyang uniform... Kaparehong-kapareho ito ng uniform na suot ko ngayon. Oo nga't napakarumi na ng suot niya dahil sa dugo at putik pero sa kabila nito ay nasisigurado ko parin na ang uniform at seal sa necktie niya ay kaparehong-kapareho ng seal sa suot kong Uniform ng Frostwind High.


Muli kong ibinalik ang tingin kay Mama at ngayon ko lang napansin na may suot pala siyang isang kulay puting apron na halos mag-kulay pula na dahil sa bahid ng dugo rito. Ngunit nagulat ako nang mapansin kong hawak na pala ni Mama ang isang mahabang piraso ng bakal at ang dulo nito ay tila ba nagbabaga.


"Mommy! Daddy!" Lalong lumalakas ang palahaw ng babae habang papalapit ng papalapit sa kanya ang dulo ng bakal na hawak ni Mama.


Biglang tumawa si Mama, "Hija, wala ang nanay at tatay mo rito. Walang sino man ang makakatulong sayo, " Biglang lumingon si Mama sa direksyon ko at ngumiti, "Maddieson anak, panoorin mo ang gagawin ni Mama ha?"


Muli kong ibinalik ang tingin sa babae at tila ba nagsitayuan ang balahibo ko nang mapagtanto kong nakatitig na sakin ang luhaan at nanlilisik niyang mga mata na animo'y sinusumpa ako.


"Papatayin ko kayo!" Bigla niyang sigaw dahilan para mapapikit ako.


Makaraan ang ilang sandali ay unti-unti kong idinilat ulit ang mga mata ko at laking gulat ko nang makita ko ang duguan niyang mukha na napakalapit na sakin. Nanlilisik ang napaka-pula niyang mga mata, nakatitig ito sakin pero sa kabila nito ay wala akong nakikitang buhay sa mga mata niya.


Sinubukan kong lumayo sa kanya at dito ay napagtanto kong nakahiga pala kami sa putikan... Sa isang malalim na hukay. Napatingin ako sa kalangitan at nakita ko ang kislap ng kidlat na sumasabay sa malakas na buhos ng ulang tumatama sa amin.

Skeletons in her closetWhere stories live. Discover now