Chapter 20: Broken

83.7K 4.4K 1.5K
                                    

Chapter theme is up there pals ^


20.

Broken

Maddy


Sa pagdilat ng mga mata ko ay agad kong nakita si Sage na nakaupo sa tabi ko. Tulog siya habang nakahalukipkip ang mga braso niya't nakayuko ang ulo. Hindi ko mapigilan ang sarili kong ngumiti.


Bigla akong nakaramdam ng kakaiba sa kamay ko kaya naman dahan-dahan ko itong itinaas. May benda palang nakapulupot sa pulso ko. Kung pagbabasehan ang kisameng nakikita ko ngayon at ang kamang kinahihigaan ko, walang kaduda-duda, andito na naman ako sa ospital. Ano pa nga bang bago?


"Maddy?" Biglang sambit ni Sage na sa puntong ito'y gising na pala. Sinubukan kong umupo kaya naman agad niya akong inalalayan.


"What happened?" Tanong ko nang mapansin ang bahid ng dugo sa damit ni Sage at ang bendang nakapulupot sa kamao niya.


"You passed out after that idiot locked you inside that car." Aniya na para bang naiinis siya.


"Si Aiden!" Bulalas ko nang bigla kong maalala ang nangyari kanina, "Is he okay? Were the police able to save him?" Hindi ko na mapigilan pang kabahan.


Kumurba ang ngiti sa mukha ni Sage saka siya tumango-tango, "Nagawa siyang mailigtas ng mga pulis mula sa pagkakalunod. Muntikan man siyang magka-hypothermia, ang importante, ligtas siya't humihinga parin."


Para akong nabunutan ng tinik sa narinig at agad akong napabuntong-hininga. I can't help but to smile again. Aiden is saved and Kiana will be happy.


"Maddy anong nangyari sa'yo sa loob ng sasakyan?" Biglang tanong ni Sage kaya naman unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ko.


"H-hindi... Hindi ko alam." Sabi ko na lamang.


Oo, hindi ko naman talaga alam kung ano iyon. Yung babae at lalakeng tinawag kong Momski at Dadski, hindi ko alam kung sino sila o anong ginagawa ko kasama nila. At hindi ko rin alam kung bakit tinawag nila akong anak.


I don't know who they are but everything felt weird... everything felt so real... like I was there... like they all happened for real.


"Hindi mo alam o ayaw mo lang pag-usapan?" Nakangising sambit ni Sage kaya naman napabuntong-hininga na lamang ako't napatingin sa kawalan.


"While I was locked in the car, it was as if I saw something..." Bulalas ko.


"Multo?" Kunot-noong tanong ni Sage kaya naman agad ko siyang inirapan.


"No, more like some crazy hallucination. Ugh... I think I'm going nuts." Napabuntong-hininga na lamang ako.


Sa isang iglap ay bigla na lamang tumango-tango si Sage na animo'y may naalala, "Ah, teka... Kanina sigaw ka ng sigaw ng Momski at Dadski ba 'yon? Ayaw mong iwan ka nila. Sila ba ang mga nakita mo? Ang mga magulang mo?"

Skeletons in her closetWhere stories live. Discover now