Chapter 19: The wall she built

90.8K 4.3K 1.1K
                                    

19.

The wall she built

Maddy


Nakakailang. Maliban rito ay wala nang ibang salita ang makapaglalarawan sa sitwasyon namin ni Montoya dito sa loob ng sasakyan.


Hindi siya nagsasalita, deretso lamang ang tingin niya sa daang tinatahak namin. Walang ibang sasakyan sa kalsada kaya naman walang takot siyang bilisan ang pagmamaneho. Samantalang ako, heto, litong-lito at napakabigat ng kalooban. Kiana's heart is going to break all over again and it's all because of me.


Si Kiana... Ayoko sa kanya. Gusto ko siyang batukan sa tuwing nakikita ko siya lalo na't mukha siyang timang at napakaarte niya. Gusto ko siyang patayin minsan sa sobrang inis pero ayokong wakasan ang buhay niya. Kahit na nab-bwisit ako sa kanya, ayoko parin siyang makitang nasasaktan lalo pa't ako ang dahilan.


"'Yan ba talaga ang buhay na gusto mo?" Nagulat ako nang biglang magsalita si Montoya kaya naman napalingon agad ako sa kanya. Hindi siya lumilingon sakin, deretso parin ang tingin niya sa daan. Kahit di niya sabihin, alam kong masama ang loob niya sakin.


"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko na lamang.


"May tumawag sa estasyon. Isang anonymous tipster na nagsasabing may mangyayaring krimen sa stadium kaya nagpunta kami roon. Maddieson narinig ko ang mga sinabi sa'yo ng killer mula sa speaker!" Napabuntong-hininga siya't bigla niyang inihinto ang sasakyan, "The Killer gave you a choice! The Killer gave you a chance to redeem yourself and to save another life! Maddieson 'yan na ba talaga ang desisyon mo? Ang maging masama?!"


Naikuyom ko na lamang ang kamao ko. Magsasalita na sana ako nang bigla na lamang tumunog ang cellphone ko.


Nang makita kong si Kiana ang tumatawag, walang pag-aalinlangan ko itong sinagot.


"Kiana..." Halos walang boses ang lumabas mula sa bibig ko.


"A-ate... w-wala na si k-kuya.." Napapikit na lamang ako nang marinig ko ang boses ni Kiana mula sa kabilang linya. Wala na akong maintindihan sa mga sinasabi niya. Panay ang paghagulgol niya at para bang hirap na hirap na siyang huminga kaiiyak.


"Kiana nasaan ka? Kiana pupuntahan kita!" Sabi ko ngunit mga iyak lamang ni Kiana ang naririnig ko. Makaraan ang ilang sandali ay animo'y may umagaw ng cellphone mula sa kanya.


"Papunta na kami sa morgue." Nanlaki ang mga mata ko sa boses na narinig ko.


"T-toto?" Bulalas ko ngunit hindi ko na narinig pa ang tugon niya dahil bigla na lamang niya akong binabaan.


****


May sinasabi si Montoya ngunit hindi ko na siya pinapakinggan pa. Lalo ko lamang na mas binilisan ang paglalakad sa pasilyo ng ospital hanggang sa mapatakbo na ako sa direksyon ng mismong morgue.


"Kiana!" Napasigaw ako nang makita ko si Kiana na umiiyak habang nakaupo sa isang tabi. Mag-isa lamang siya at panay sa pagtangis. Dali-dali akong nagtatakbo papalapit sa kanya't agad siyang niyakap ng mahigpit.

Skeletons in her closetDove le storie prendono vita. Scoprilo ora