CHAPTER 1

1.2K 15 6
                                        

CHAPTER 1


"Hoy, babae!" Rinig kong sigaw ng isang tao hindi kalayuan sa gawi ko. Nang tignan ko ito ay ang dati kong kaklase. "Kamusta kana? Apat na taon na din ang nakalipas, ah? Wala ka pa rin bang trabaho?"


Umiling ako. "Hindi pa ako naghahanap at ayoko pa. May kailangan pa kasi akong gawin at unahin, eh—"


"Ano naman 'yon?" Pag-iisyoso niya. Ngumiti ako. Ang pakelamero naman ng lalaking ito. Kalalaking tao ay napakachismoso. "Bakit hindi mo ako gayahin? Pagka-graduate natin ng political science ay nakahanap na kaagad ng trabaho sa munispyo?"


Ngumiti ako ng malapad sa kaniya. "Bakit naman kita gagayahin? May sarili akong way. I have my own journey to success, kaya bakit naman kita gagayahin?"

"Sus. Hindi ka kasi makuntento. Ang gusto mo ay mataas ang sahod mo, hoy! Nandito tayo sa Pilipinas. At ang pantasya mo na mataas na sahod? Tsk! Baka sa panaginip mo na lang makuha iyon," aniya.

He has a point. The salary here in the Philippines is really low, especially if you're just a fresh graduate. What's worse is that you can't even get a job because they're looking for someone with experience. But how is that even possible? You just graduated.

Parang siraulo ang sistema nila dito.

The standards are high, but the salary doesn't match. It's ridiculous. You end up stuck in this cycle where you need experience to get a job, but you can't gain experience if no one will hire you. It's frustrating because you've worked so hard to get your degree, and yet the opportunities feel limited.

You wonder if anyone cares about the potential you bring, or if they just care about numbers on a resume. It's a system that makes it harder for young professionals to start their careers, and it feels like an unfair trap.


"Tama ka. Hindi talaga ako marunong makuntento kung ganito kababa ang sahod sa pinas. Kaya hindi kita gagayahin na nagtitiis sa pag-t-trabaho at pag-o-overtime ngunit hindi naman tumataas ang sahod." Sagot ko sabay alis.

Pakilamero kasi! Kaka-graduate lang namin last month sa Univerity of Bohol. Napakagtapps ako ng Bachelor of Arts major in Political Science. Pero hindi ako naghanap kaagad ng trabaho dahil ang gusto ko nga ay ipagpatuloy iyon sa pagiging lawyer.


Isang linggo na din akong nag-aaral dito pa rin sa dati kong school... sa University of Bohol.


"Azuna!"


Napalingon ako sa nagsalita. Vacant namin ngayon ng tatlong oras kaya nandito ako sa Chocholate Hills complex na madalas kong tambayan sa tuwing nag-rereview ako. Ang ganda kasi tawanin ang mga Chocholate Hills dito sa Bohol at nakakarelax ng isip.


"Bakit? Ano nanaman?" Tamad kong tanong. "Pakopya nga ako sa Constitutional Law! Ang hirap naman nito," napasapo pa siya sa kaniyang noo.


Siya si Veronica. Hindi ko naman siya tinuturing na kaibigan dahil hindi ko naman siya madalas na nakakasama. Wala akong kaibigan sa school namin. Ni isa ay wala, dahil wala naman gustong makipagkaibigan sa akin. Lumalapit lang naman sila sa tuwing may kailangan sila, kagaya ng babaeng ito ngayon na gusto niyang kumopya.


"Ang ganda mo sa uniform mo ngayon, bagay mo! Kahit dark skin ka!" Papuri niya pa na may kasamang pang-iinsulto. Umiling ako. "Nah. Hindi ako tumatanggap ng backhanded compliments para lang magpakopya," irap ko.


Napakamot naman siya sa kaniyang batok. "And seriously? Susundan mo pa talaga ako dito sa Chocholate Hills Complex para lang kumopya?" Patuloy ko. Tumango naman siya. "Sige na, Azuna. Please? Kapag bumagsak ako sa subject na ito ay malalagot talaga ako! Ako na lang ang pag-asa ng pamilya ko," pagmamakaawa niya.


Useless (LUZVIMINDA SERIES 2) Where stories live. Discover now