CHAPTER 9
Napamulat ako ng mata nang marinig ko ang malalakas na katok sa labas ng aking silid. Tamad akong bumangon at tinignan muna ang sarili sa maliit na salamin.
Inayos ko ang aking buhok. "Hoy, Azuna! Gumising kana diyan! Buksan mo ito!!" Sigaw ni Mama sa labas. Napahinga ako ng malalim. Ka'y aga namang sermon ito. "Heto na po. Bubuksan na po," mahina kong sabi.
"Dalian mo at humanda ka sa amin ng Papa mo!!" Pahabol pa ni Mama.
Ang aga-aga ay ito nanaman kaagad ang bungad nila. Hindi ba puwedeng mag-almusal muna ako? Ito na nga siguro ang almusal ko ngayong umaga.
Napahawak ako sa aking ulo nang biglaan itong sumakit. Binuksan ko ang pintuan at tumambad sa akin ang galit na mukha ni Mama. Napadaing ako nang hablutin niya ang buhok ko at inilabas ako sa aking kuwarto.
"M-mama...b-bakit po? M-may kasalanan po b-ba ako? M-may nagawa p-po ba ako?" Naguguluhan kong tanong. Padabog niya akong binitawan. Nang tignan ko si Papa ay ganoon din ang kaniyang ekspresyon. Galit na galit din at tila kaonti na lang ay bubugbugin niya nanaman ako.
"Anong oras ka umuwi?!" Sigaw ni Papa. Napayuko ako at pinaglaruan ang aking kuko. "Hinding-hindi ka na makakagala, Azuna! Napakawalang kwenta mong babae ka!"
Nanlaki ang mata ko. Ano ba ang nagawa ko? Ang alam ko ay pinagpaalam naman ako ni Jaylan sa magulang ko dahil iyon ang sabi niya.
Lumandas sa aking kaliwang pisngi ang palad ni Mama at muli akong sinabunutan. "Tignan mo ito! Bakit hindi mo gayahin ang anak ni Mr. and Mrs. Madriaga?! Napakatalino! Walang-wala ka talaga sa ibang mga bata, Azuna! Kaka-transfer lang ng anak nila dito sa Bohol tapos nalamangan kana kaagad! Tignan mo! Certificate lang ay hindi mo makuha?! Ganyan kana ba kabobo?!" Mahabang litansiya ni Papa.
Tumulo ang luha sa aking pisngi na kaagad ko namang pinahid. Nang sulyapan ko ang ipinakita ni Mama sa kaniyang Cellphone ay ang conversation nila ito ni Mrs. Madriaga. Ang Ina ni Jaylan.
"S-sorry po...G-ginagawa ko n-naman po ang l-lahat p-para po m-manguna pa rin po sa s-school..." sambit ko. "Kahit anong gawin mo ay hinding-hindi mo na maabutan ang anak ni Mrs. Madriaga, Azuna! Ano ba ang tingin mo sa sarili mo?! Hindi ka naman matalino, walang-wala ka sa kanila!" Ani ni Papa.
"Mabuti na lang talaga at hindi kita totoong anak. Wala naman akong anak na bobo. Bakit ba kasi ipinagpapatuloy mo pa ang pag-aaral?! Magtrabaho ka nalang para makatulong ka naman sa mga bayarin dito sa bahay. Nakakahiya lang sa mga kamag-anak ko dahil hindi naman kita naipagmamalaki!" Patuloy niya pa.
I was the valedictorian in Junior High School, and I graduated with the highest honors in Senior High School, even though there were students with higher grades than mine. At least I was included among the highest. I also graduated summa cum laude in my Political Science degree. Isn't all of that enough? What more do they want? Do they expect me to collect every single award there is? They're being too greedy and unrealistic with their expectations.
Just because I didn't get one award, palagi na lang nila akong sinasabihanh bobo at tanga. I've worked so hard for years, sacrificing my time, my health, and even my happiness, just to make them proud. Yet it seems like no matter how much I achieve, it's never enough for them. They always find something to criticize, something to belittle me for.
It hurts so much to constantly feel like I'm not good enough in their eyes, like all my efforts are meaningless. I'm exhausted, and I don't know how much more I can take. Why can't they see how much I've accomplished instead of focusing on the one thing I didn't achieve?

YOU ARE READING
Useless (LUZVIMINDA SERIES 2)
RomanceStarted: Dec 05, 2024 Ended: I'm Azuna Lauren Guzman, born and raised in Bohol, now pursuing a law degree. Growing up in a household bound by toxic perfectionism, I've spent my life striving for approval, seeking attention, yet never quite measurin...