CHAPTER 11

713 14 7
                                        

CHAPTER 11


Maaga akong nagising. Dito ako natulog sa condo ni Atasha. After kasi naming kumain ng pagkain na binili ni Jaylan kahapon ay umuwi na din siya kaagad.


"Paano ba 'yan, Azuna? Wala kang uniform na nadala? Papasok ka ba ngayon?" Tanong ng babae na kagigising lang. Yumuko ako at tumingin sa malaking glass wall ng kaniyang Condo. 


Ang suwerte niya dahil may kaya siya sa buhay. Nabibili niya lahat ng kaniyang gusto. I'm sure her parents don't pressure her when it comes to academics, and most of all, paniguradong hindi naman siya nakakaranas ng pananakit, physically man o mentally. Hindi katulad ng buhay ko ngayon.


"Puwede ba ang hindi naka-uniform sa inyo? Papahiramin na lang kita ng damit dito. Kaso sorry, ha? Ang mga tipo ko kasing damit puro mga croptop and maiikling short pati skirt. Hubadera kasi ako," humagikgik pa ang babae.



Nagkibit labi ako at nag-iwas ng tingin. Wala na akong ibang pagpipilian. Kahit hindi puwede ang hindi naka uniform sa amin ay papakiusapan ko na lang sina Atty. mini skirt kasi ang unipormeng isusuot namin ngayon at hindi pants.



Nakakahiya naman kung isusuot ko ulit itong uniform na suot ko ngayon. Ayokong isipin ni Atasha na ganito ang ugali ko. Higit pa doon, pants ang suot ko ngayon at hindi skirt.



"A-ayos lang...Ibabalik ko na lang b-bukas," nahihiya kong sabi. Ngumiti naman siya ng malapad at tumango.



"Halika dito, ikaw ang mamili ng gusto mo!" Masaya niyang alok. "K-kahit skirt na lang ang hihiramin ko, isusuot ko na lang ulit itong white long sleeve at blazer ko," sambit ko.


Kumunot ang noo niya sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa. Umiling-iling siya. "No na no, Azuna! Dapat magpalit ka, paano na lang kung may gustong manligaw sa'yo? Malalaman nilang hindi ka nagpapalit ng damit!" Pabiro niyang anas.


Ngumuso naman ako sabay tingin sa sarili ko. "W-wala namang nanliligaw sa akin, eh. Tska kung meron man? Malalaman pa nila nila? Aamuyin pa ba nila ako?"


"Aba siyampre! Amoy ang unang-una mo dapat alalahanin. Kapag mabango ka, mas nakakaakit iyon ng mga lalaki—"


Kaagad kong pinutol ang kaniyang sasabihin. "Puwede namang lagyan ng pabango ang damit ko, Atasha," natatawa kong sabi. "Huwag na, Azuna. Humiram ka na lang din sa akin ng damit, marami naman ako d'yan, oh!" Turo niya sa mga damit niyang nakasabit sa malaki niyang Cabinet.


Bumuntong hininga na lang ako at pumili ako ng maisusuot. Ang nakuha ko ay croptop. Kulay itim ito. Bahagyang nakikita ang cleavage dahil v-neck siya. Maong short din ang kinuha ko. Highwaist siya at ang disenyo ng short ay nakalabas ang dalawang bulsa.



Sa school kasi na pinapasukan namin ay hindi na sila nagbabawal ng kahit anong susuotin mo. Our school is no longer strict when it comes to clothing. You can wear whatever you want—that's their policy now. However, it still depends on the Dean of each course. For example, in the College of Law, students are still required to wear the proper uniform.


Nauna akong naligo. Hindi na ako humiram ng sapatos kay Atasha kahit gusto niya. Tumanggi ako dahil may sarili naman akong sapatos.


Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na rin ako. Kasyang-kasya lang sa akin ang damit ni Atasha. "My gosh! Bagay na bagay sa'yo! Ang ganda-ganda mo!" Puna ng babae.



"Kaso...." Humawak siya sa kaniyang baba. "Hindi bagay ang sapatos mo sa outfit mo ngayon!" Aniya. Tumingin ako sa black shoes kong pasira na. "Ayos na ito, Atasha. School naman ang pupuntahan ko at hindi Bar."


Useless (LUZVIMINDA SERIES 2) Место, где живут истории. Откройте их для себя