CHAPTER 5

460 8 0
                                        

CHAPTER 5


"H-hello po?" Nginig kong bungad sa kabilang linya. ["Nasaan ka nang bata ka?! Kanina pa ako naghihintay dito sa labas ng school niyo! Kasama mo nanaman ba ang kalandian mo, ha?! Humanda ka sa akin kapag nakita kita, ipapahiya kita dito!"] sermon ni Papa.


"P-palabas na po ako, Papa. Sandali l-lang po," sambit ko at pinatay ang tawag. Nagmadali akong tumakbo papunta sa gate ng aming school.

Nang makarating ako sa tapat ng gate ay huminto muna ako saglit at hinabol ang aking paghinga. Nagpalinga-linga ako at hinanap ang tricycle ni Papa. Nang mamataan ko ay kumabog ang aking puso.


Nakaramdam ako ng kaba habang dahan-dahan akong papalapit sa kaniya. "P-papa, n-nandito na po ako, p-pasensya na po...l-late po kasi kami pinalabas," nakayuko kong sambit. "Huwag kang magsinungaling, Azuna. Nakita ko ang mga kaklase mo! Lahat sila ay nagsilabasan na, ikaw ay naiwan pa din sa loob. Hanggang sa school ba naman ay dadalhin mo ang kakatihan mo?!" Napapalakas na saad niya.


Umiling-iling ako. Nang sulyapan ko ang ibang mga estudyanteng nandito habang nakatayo at naghihintay din ng kanilang masasakyan ay napapatingin sa gawi namin.


"S-sorry po, Papa. H-hindi na po mauulit," pagsuko ko. "Sumakay ka na sa loob at humanda ka sa amin ng Mama mo kapag uwi mo!"


Ginawa ko ang kaniyang utos. Nang makasakay ako sa loob ng Tricycle ay napadukdok ako sa aking hita. Ginagawa nila akong isang bata. Itinuturing nila akong Kinder o Elementary na dapat bantayan sa lahat ng oras.


Ilang oras lang din ay nakarating kami sa bahay. Pagbaba ko ng tricycle ay hinila ako ni Papa papasok sa loob. Namataan ko si Mama at Keryn na tila nag-aayos ng kanilang sarili. "Itong batang ito! Kanina pa ako naghihintay sa kaniya sa labas ng kanilang school. Nakikipaglandian pa pala sa loob!" Tila batang pagsusumbong ni Papa.


"H-hindi po sa g-ganoon, m-may ginawa lang po a-ako kaya po nahuli ako ng labas," pilit kong paliwanag. Lumapit naman si Mama at inihagis sa pagmumukha ko ang kaniyang pinagbihisan. "Hindi mo bagay maging Attorney kung ang bababa naman ng grado mo, maging bayaran ka na lang, tutal ay gawain mo naman iyon tuwing madaling araw, 'di ba?"



I bowed my head, biting my lower lip as tears threatened to fall. Hearing those words from Mama felt like a dagger piercing through me, but what choice do I have? My ears have grown numb to her harsh remarks over time. Still, hindi ko pa rin kayang maglayas, hindi ko pa rin siya kayang iwan dahil umaasa ako na baka isang araw maramdaman ko ang pagmamahal ng isang Ina na kahit kailan ay hindi niya naibigay sa akin.


"Labhan mo 'yan. Mag-urong kana din doon, at ano balita sa mga scores mo?! Bagsak ka nanaman ba? Mababa nanaman ba nakuha mong mga scores ngayon? Bakit pa nga ba naman ako magtatanong, palagi namang mababa. Walang pinagbago kasi bobo ka! Hindi ko ba alam kung bakit ako nagkaroon ng anak na katulad mo," tuloy-tuloy niyang sabi.



Mataas naman ang mga nakukuha kong scores. Hindi niyo lang talaga ma-appreciate, hindi niyo lang magawa maging proud sa akin dahil mataas ang standard niyo.



Standard na pilit ko namang inaabot pero hindi ko maabot-abot.



"Pagkatapos mo mag-urong ay sumunod ka sa amin at may pupuntahan tayo!" Sabat naman ni Papa.


"Bakit pa po natin isasama 'yang si Azuna, Papa? Wala naman po siyang gagawin doon. Siya pa pong gastos natin," gatong pa ni Keryn. "Para may nauutusan tayo, Anak. Baka marami kang bilhin." Tila maamong tutang sabi ni Mama.



"Ano pa bang tinatayo-tayo mo diyan, Azuna?! Kumilos ka na. Hindi oras ang mag-a-adjust sa magiging makupad mo!"


Nataranta akong inilapag ang bag ko sa lamesa at kaagad na kinuha ang damit na inihagis ni Mama sa akin. Inihanda ko ang mga gagamitin ko sa paglalaba.


Useless (LUZVIMINDA SERIES 2) Where stories live. Discover now