CHAPTER 2
"Pakopya nga, ang hirap naman ng subject na 'to!" Anas ng isa kong kaklase. Maaga akong pumasok para gumawa ng assignments ko ngayon.
Hindi kasi ako nakagawa kahapon dahil sa nangyari. Iyak nanaman ako ng iyak dahil sa masasakit na salitang narinig ko kay Mama at sa Stepfather ko. At dahil nga sa kakahagulgol ko kagabi ay wala ni Isang Assignment akong natapos.
"Nakikita mong gumagawa pa lang ako, 'di ba? Mas uunahin pa ba kita kesa sa sarili ko?" Pagmamataray ko kay Veronica. Inirapan niya ako. "Napakadamot mo naman! Hindi mo na nga ako pinakopya kahapon, eh." Inis niyang wika sabay padabog na umupo sa kaniyang puwesto.
Namataan ko ang bago naming kaklase na lalaki. Kakapasok niya lang. Sinunod niya naman ang utos ni Attorney kahapon na mag-uniform siya.
Maayos na din ang kaniyang mahabang buhok at nakatali na din ito ng maayos. Pasimple ko siyang inirapan at ipinagpatuloy ang pagsasagot sa assignment ko.
"Good morning, class...." natigilan ako nang marinig ko ang boses ng aming Professor.
Bakit ang aga niya naman? Sa pagkakaalam ko ay mamayang after break time pa ang subject niya, ah? "Sorry for interrupting what you're doing; I just have something to announce," Attorney cleared her throat. She glanced around the room until her eyes met mine, then shifted her gaze to Mr. Madriaga, our new classmate.
"To enhance your skills, we will have a debate in our court—the one here at school, not an actual court, alright?" She let out a soft laugh. "It will be held next month, so don't worry. You'll have enough time to choose your teammates and prepare your arguments for the debate."
Napahinga ako ng malalim. Wala naman akong panahon para sa gan'yang mga bagay. Mas gugustuhin ko na lang na mag-aral, magbasa, o gawin ang mga activities na pinapagawa ng ibang mga professor ko. Kung kasali sa grades 'yang debate na iyan at nakakadagdag ng points sa grades ay sige. Papalagan ko 'yan.
"They haven't told us yet what the topic of your debate will be, but I'm sure it will only be revealed on the day of the debate itself. That means you need to prepare thoroughly. Sharpen your arguments, research well, and ensure you're ready for anything that might come up. Remember, the goal is not just to win but to showcase your skills and critical thinking." Patuloy ni Attorney.
Nagpaalam na siyang umalis kaya ipipagpapatuloy ko na sana ang pagsusulat nang sumigaw ang isa kong kaklase. "Si Uling na lang!"
Nagtawanan sila. "Kahit maitim 'yan may binatbat pa rin naman 'yan sa ibang students. Hindi naman maitim ang utak niyan, eh. Matalino din naman," sabat pa ng isa. Muli kong narinig ang halakhak nila.
"Bakit hindi kayo ang sumali? "If you're just going to give me backhanded compliments, I have no interest in joining that debate. I'll let our section lose if that's the case."
Nagkantiyawan pa sila. "Si Mr. Pogi na lang! Huwag niyo ng asahan 'yang si Black lady dahil pasikat lang naman 'yan. Mas matalino pa itong bago nating kaklase!" Sigaw ni Veronica.
Por que hindi ko siya pinakopya ay sinabihan na akong pasikat.
Sinulyapan ko si Mr. Madriaga. Kumulo ang dugo ko at tila napunta lahat ng ito sa taas ng aking ulo nang makita ko siyang ngumiti.
"Sige, sasali ako," maikli niyang sabi na siyang nakapagpatigil sa akin.
Mahina ko namang itinulak ang kaniyang upuan gamit ulit ang aking paa. "Bakit kapa sasali, bobo ka naman. Sa recitation nga tatanga-tanga ka," bulong ko. Sana lang hindi niya iyon narinig.

YOU ARE READING
Useless (LUZVIMINDA SERIES 2)
RomanceStarted: Dec 05, 2024 Ended: I'm Azuna Lauren Guzman, born and raised in Bohol, now pursuing a law degree. Growing up in a household bound by toxic perfectionism, I've spent my life striving for approval, seeking attention, yet never quite measurin...