Chapter 27

3.2K 109 0
                                    

A/N: Huhu, alam ko namang wala ng masyadong nagbabasa nito. Wahahaha. At dahil nagbabalak na naman akong magstart ng panibagong kwento at medyo bumoboring na to, until chapter 30 na lang siya. Mamimiss ko siya, kasi halos karamihan ng isinulat ko dito true to life. Ako si Jenny at si Ezekiel ang crush ko. True din na gaylaloo siya. Wahahaha. Napahaba na ang author's note. Pero salamat sa lahat ng nagmahal kay Jenny at Ezekiel. <3

---

Nandito kami ngayon sa Jeju Island ni bakla at ng mga members. Binigyan kami ng CEO ng quality time dahil nga sa matagal na kaming, I mean akong nasa Pilipinas at na miss daw talaga nila ako.

Gabi na, pero nasa labas pa din kami. Nandito kami sa isang bar kung saan maraming papa at mag eenjoy kami ng hindi kami nakikilala.

Syempre hindi mawawala sa isang bar ang pag-iinom at sayawan. At dahil si Som at Syou ay medyo party girl, pagkapasok na pagkapasok nila dito ay sumayaw agad sila.

Kami naman ni Bora at Ezekiel ay uminom lang. Usap-usap at boy hunting na din.

Ilang oras pa ang lumipas at medyo tinamaan na si Bora kaya naman ng may mag-ayang sumayaw sa kanya ay di na niya ito pinalagpas.

At heto kami ni Ezekiel, naka upo. Inom-inom din.

"Ayy, teh! Tingnan mo ang hot nung guy. Wahahaha!" hindi ko alam kung may tama na ba 'tong mahal ko na 'to o nababaliw lang talaga.

Napansin naman namin na papalapit sa amin ang lalaking tinuro ni Ezekiel.

"Hi there! Mind if I join you?" napangiti naman kami ni Ezekiel sa kanya. Mukha naman siyang mabait. At ang bakla, na aurahan agad.

Syempre dahil nakiupo naman na siya, nagkausap na din kaming tatlo.

Siya si Kim Lee Joon. Lee Joon na lang daw itawag namin sa kanya. Half Korean, half American siya kaya nakakaya naman namin ang English niya. Masaya siyang kasama at tulad ng ibang nagbabar dito ay bolero siya. Syempre kilig na kilig ang bakla.

"Can we dance?" nagulat ako ng mag-abot siya ng kamay... Pero mas nagulat ako ng kay Ezekiel siya mag-abot ng kamay.

Hindi ko alam pero kinilig ako ng tumingin sa akin si Ezekiel na parang nagpapaalam. At tulad ng plano, hinayaan ko siya sa gusto niya.

Nakikita ko mula sa pwesto namin kung paano ang landing ginagawa nilang dalawa. Ang totoo, hindi ko mapigilang mainis. Sinong hindi maiinis? Akala ko pa naman, gentleman itong Lee Joon na 'to, hindi naman pala. Bading din ata. Maka-chansing kasi kay bakla.

Ito namang baklang 'to, tuwang tuwa. Kung hindi lang dahil sa plano namin, baka kanina ko pa sila nilapitan eh.

Naupo naman si Som at Syou. Napagod na ata sa kakasayaw. Mukha silang pinasabugan sa sobrang haggard nila, pero mukha silang masaya. Sana naman kasi naeenjoy ko din ang pag-party.

Kanina pa ako naiinis talaga sa Lee Joon na 'to eh.

"Hey, Hyo. Stop being too jealous. Stick to the plan." bulong ni Bora.

Ano bang ginagawa ko? T_T naka stick na nga sa plano eh. Pigil na pigil na ako dito.

Pero nagulat ako ng biglang halikan ni Lee Joon sa cheeks ni bakla.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. At walang nakapigil sa akin dahil bagsak na ang tatlong babae.

"Hey, Mr. Lee Joon. I think you are crossing the line." nagulat silang dalawa ng humarang ako sa pagitan nila.

"Excuse me, who are you? You just said, this is just your friend but now she's crossing the line too." sabi pa niya.
"Excuse me too. I am a FRIEND. Now, who are you again? You're just a stranger. Come on, Ezekiel." 

Hinila ko agad si Ezekiel. Nagpunta kami sa part ng bar kung saan walang masyadong tao at hindi masyadong maingay.

"Girl ano ba? Ito naman KJ. Nakapuntos na nga eh." nag-init ang ulo ko sa sinabi niya.
"So, ganun? Pagkatapos kitang ipagtanggol dun?" sagot ko naman sa kanya.
"Bakit mo ako ipagtatanggol? Hindi naman ako na-api." sagot naman niya.
"Pero nabastos ka!" sigaw ko sa kanya.
"Bakit ba nangengealam ka?!" napabitaw na lang ako sa kanya.

Bumalik ako sa kinauupuan namin. Nasasaktan ako, ako na nga yung nagtanggol sa kanya. Teka, hindi nga naman kasi siya nasaktan. At ang masakit pa, parang ginusto niya yun.

Napaiyak na lang ako.
Nakakainis.


Chasing The GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon