Chapter 16:

3.8K 121 1
                                    

Jenny's POV

Nagkainuman dito sa bahay ni Jane, tutal matagal tagal daw na wala kaming bonding na kumpleto.

Etong dalawang mag-asawa eh, napaka sweet sa isa't isa.

"Hon, wag masyadong uminom." saway ni Mike kay Richa.
"Malakas naman alcohol tolerance ko hon eh." pagkontra ni Richa kay Mike.
"Kahit na." ma awtoridad na utos ni Mike.

Napasunod naman niya si Richa.

Hay, ang swerte ni Richa. Kung kami kaya, pagkatapos nun ganito rin kaya kami.

"Huy, nilalanggam na kami." pangaasar ni Aira. Nagtawanan sila.
"Ehem. May lutang ang isip dito, sino kayang iniisip. Hahaha." at nakita ko na lang na nakatingin sila sa akin.
"Anong problema niyo?" saka kami nagtawanan.

Nagkwentuhan lang kami tungkol sa kanya kanya naming buhay.

Yung kila Mike ayun happy family, may sariling business ang family. Hindi ko akalain na dating manginginom, oops ang panget ng term, party girl pala si Richa. She's so sweet.

Si Aira naman eh naging animator. Malayo sa naging course niyang HRDM. Si Jane naman ayun, mabenta sa mga pageant. Ang ganda kasi talag niyan eh. Pero accountant yan. Si Marielle at Angelica, finding a job daw muna. Pero lahat sila may lovelife.

"Buti na lang di niyo sinama ang mga jowaers niyo dito noh? At eto lang ang Mike-Richa couple. Kundi OP ako dor sure." pagsisingit ko. Pero mukhang wrong move.

"Eh maiba tayo ano? Ikaw. Isang K-POP star, kita mo ang porma oh. Sexyng sexy. Hahaha. Pero may lovelife ba teh?" kita niyo? Na hot seat ako.

"Naku, wala ah. Career muna. Tsaka ayoko pa." sagot ko sa kanila.
"Ang showbiz nung sagot oh. Hahaha. By the way, ayaw mo pa kasi…" parang may hinihintay si Aira na isagot ko.
"Wala nga. Career lang muna." ngumiti ako ng mapakla. Nagkatinginan kami ni Jane, Marielle at Angelica. Sila lang kasi ang nakakaalam ng lovelife ko talaga ngayon. At kung anong nagyayari ngayon sa kanya. Iniinform lang ako ng mga 'to kahit na hindi ko hinihingi.

At mukhang napansin ata ni Richa ang awkwardness kaya nagiba siya ng topic.

"Patingin ng heels mo Jenny. Type ko siya eh." at dun nabaling ang atensyon nila.

Pinaglalaruan lang nila ang heels ko at nagsh-shot lang kami ng nagshot. Ako eto, naiisip na naman siya.

"Huy, tulaley ka girl. Hahaha. Wag mo na nga muna siyang isipin. Nakaka hurt ka ng feelings ah. Siya na nga inisip mo nung pumunta ka dito, sya pa rin hanggang ngayon." pagrereklamo nila Angelica at Marielle.

Ngumiti na lang ako.

"Guys, gusto niyong sumayaw si Jenny nung sayaw nila diba?"

Atleast kahit papaano nabaling na muna sa iba ang pagiisip sa kanya.

Ezekiel's POV

Nandito ako ngayon sa bahay, nasa tapat ng computer namin. Naka online, fb fb muna.

Nadama kong nag vibrate ang phone ko.

Si Erica.

First time kong nakita siyang nagalit ng sobra. Kelan? Nung narinig ko siyang kumanta sa school. Diba iniwan ko siya? Pero buti na lang nasuyo ko kaagad.

"Hi babe. Anong ginagawa mo?" tanong niya agad sa akin.
"Ah, gumagawa ng assignment." pagdadahilan ko. Magpapasama na naman yan sa mall. Ayoko kasi sa lahat yang pagpunta sa mall at magsh-shopping ang mga girls.
"Ay, oo nga pala may assignment. Balak ko pa naman sanang mag-mall. Buti na lang pinaalala mo babe. Thanks, mwah. I love you." sabi sa inyo magm-mall lang yan eh.

Nagbye lang ako sa kanya. Ewan ko, never ko pa siyang sinabihan ng i love you too sa personal. Sa letter oo. Hay. Hindi maganda 'to.

Nakita kong online yung isang teacher namin. Itatanong ko kung anong group yung pupunta next week.

To: Sir Andrew

Sir, anong pangalan nung group na K-POP na pupunta next week sa school?

Sent.

Ilang minuto lang nagreply na ito.

From: Sir Andrew

Star ata eh. Wala kasi ako nung pumunta yun sa school pero ang pagkakaalam ko yun.

Seen.

Nagreply naman ako ulit.

To: Sir Andrew

Ah sige po salamat. :)

Sent.

Isesearch ko na sana ng…

"Anak! Tulungan mo nga ako dito!" hay. Wrong timing si mama.

Chasing The GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon