Chapter 21:

3.2K 93 1
                                    

Jezriel's POV

Tama yung naiisip niyo. Hahaha, kung irerecap natin ang nangyari sa last chapter, oo pinagplanuhan ko talaga yun.

Alam ni Ezekiel lahat yun. Yung oras, yung kung saan kami magtatago at kung anong oras siya dapat magpakita.

"Ang alam ko kasi wala akong kaibigan na bakla dito." nakita kong parang natigilan si Ezekiel sa sinabi ni ate Jenny.

"Happy anniversary sa atin." para namang hindi iyon narinig ni Ezekiel at lumapit sa amin at hinawakan kami para maupo.

Pero naging mailap si ate Jenny at inalis niya kaagad ang kamay nito sa pagkakahawak sa kanya ni Ezekiel.

"Ano bang mahirap intindihin sa ayoko ng maging kaibigan ka?! Inimbitahan ba kita? Alam kong pakana niyo 'to ni Jezriel pero pwede ba tama na! Ayoko na sa'yo! Sana mawala ka na lang!" naiyak si ate Jenny at tumakbo.

Third person's POV

Tumakbo si Jenny sa sobrang frustration at inis kay Ezekiel. Ano bang mahirap intindihin sa sinabi niyang ayaw na nito sa kanya.

Habang si Ezekiel naman, sobrang nasaktan siya sa mga sinabi nito sa kanya. Pero mahal nito si Jenny kaya hinabol nito ang babae. Si Jezriel naman ay todo cheer sa dalawa. Malakas ang dalangin niyang magkakatuluyan ang dalawa.

Dahil sa sobrang iyak ni Jenny ay hindi niya na makita pa ang nilalakaran hanngang sa…

"Jenny!"

---

Hindi mapakali si Jenny sa nangyari.

"Ate Jenny, kumalma ka please." pagaalo ni Jezriel dito.
"Paano ako kakalma Jezriel, sabihin mo nga? K-kasalanan ko 'to eh." hindi na napigilan pa ni Jenny na maiyak.

"Ang kapal ng mukha mooo!" umalingawngaw sa buong hallway hospital ang boses ni Erica.

Agad nitong sinugod si Jenny. Ngunit hindi lumaban si Jenny.

'Dapat lang 'to sa akin.' sa isip isip nito sa akin.

Buti na lang at dumating agad ang mga magulang ni Ezekiel, dahil kung hindi, hindi kayang awatin ni Jezriel magisa si Erica.

"Humanda ka sa aking babae ka! Kasalanan mo 'to eh." pagsisigaw ni Erica kay Jenny.

Bigla naman nagflashback kay Jenny ang sinabi nito kay Ezekiel.

"Ano bang mahirap intindihin sa ayoko ng maging kaibigan ka?! Inimbitahan ba kita? Alam kong pakana niyo 'to ni Jezriel pero pwede ba tama na! Ayoko na sa'yo! Sana mawala ka na lang!"

Napahagulgol na lang ang ating bida. Nagsisi na siya sa ginawa nito. Kung hindi na lang sana siya naginarte. Sinabi na nga nito na gusto siya, gusto rin naman ni Jenny si Ezekiel, pero dahil sa pride ay hindi agad siya nakinig rito.

"Ate Jenny tama na. Magtiwala na lang tayo sa taas, magiging ligtas siya." pang cocomfort ni Jezriel.

Sana nga…

Chasing The GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon