Chapter 7:

4K 139 6
                                    

Ezekiel's POV

Hi sa inyo. Kilala niyo naman siguro ako diba? Ako si Ezekiel Zalamea, grade 8 na.

Nandito ako ngayon sa tapat ng school namin. Sinurprise kasi namin ni Ate Jenny si Andrei ko. Hihihi. Kami kasi eh.

Alam kong gwapo ako, pero ang puso ko ay para lang sa isang tao at kay Andrei yun. Ayokong may ibang nagkakagusto sa kanya. Inaway ko nga yung kaibigan ko last year na si Jezriel nung nalaman kong crush niya din ang crush ko. Pero narealize niyang mas bagay kami kaya nag-give up siya.

Pero ang pinaka-naloloka ako eh kay ate Jenny. Patay na patay sa akin. Nakakaloka! At ang malala pa nito, eh kami na.

Ahmm, in terms of that, hindi ko naman talaga sineseryoso si ate Jenny. At mukhang siya din. Pero I feel that i'm having a territory at her nung sinabi kong 'ok lang' na maging kami.

I'm not a typical gay naman eh. Mukha akong lalaki sa labas, pero magandang-maganda sa loob. Hahaha. Buti nga alam ng planet earth sa school namin na gaylush ako at medyo maliit lang ang school namin kaya di ako masyadong pinagkakaguluhan dun. Diyosa nga kasi akembang.

"Dapat pasalamatan natin si ate Jenny. Nag-effort pa siya para lang sa pagbabati nating dalawa." ay oo nga.

Speaking of ate Jenny. Tapos naman na ang surprise di pa siya bumababa. Naawa nga ako dun kanina, bahing ng bahing. Pero kaya naman daw niya kaya hinayaan ko na lang siya.

Umakyat si Andrei para tawagin si ate Jenny, kaya naman naghintay ako sandali dito sa baba ng school namin para salubungin silang dalawa. Pero wala pang ilang minuto, humahangos na bumaba si Andrei ko buhat-buhat si ate Jenny ala bride style. Tapos tulog siya.

Sleeping beauty ang peg? Beauty nga ba?

Pero parang biglang nag-init ang ulo ko sa nakikita ko ngayon. Buhat-buhat ni Andrei ko si Ate Jenny. Para silang bagong kasal! Dapat ako yun eh.

"Ezekiel, tulungan mo ako, inaapoy ng lagnat si Ate Jenny." na-alarma naman ako kaya kinuha ko si ate Jenny kay Andrei at ibinaba siya sa mahabang upuan na nandun sa school namin.

"Tumawag ka ng tricycle, Andrei." naaligaga na kami pareho kaya naman tumakbo agad siya sa terminal ng tricycle.

Hinawakan ko ang kamay niya ng sobrang higpit. Sobrang init niya.

Kasalanan ko 'to eh. Kanina pa siya bumabahing. Halatang doon pa lang, may nararamdaman na siya.

"E-ezekiel." tawag niya sa akin.

Tumingin lang ako sa kanya pero hawak ko pa rin ang kamay niya.

"K-kamusta? Ayos na ba? B-bati na ba kayo?" argg. Nakakainis 'to minsan si ate Jenny.

Alam ko naman na gusto ako nito. Sadista ata 'to sa sarili. Tinutulungan niya ako kay Andrei. Tapos hereby declared itself pang kabit.

"Magpahinga ka na, ok na kami." hinalikan ko siya sa noo. Nakatulog naman ulit siya at saktong dumating yung tricycle na tinawag ni Andrei.

Chasing The GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon