Epilogue

6.8K 162 23
                                    

AN: Etooooo naaa! Last chapter na! T_T huhu salamat sa lahat ng sumuporta sa story na 'to kahit halos isang taon akong di nag update. Nagpromise akong tatapusin 'to. At eto na nga. Mamimiss ko si Jenny atsaka si Ezekiel. Hahaha lahat ng mga imaginations ko with my crush eh nandito na pati na din yung pangarap kong maging isang sikat na artista sa Korea. Lol. Ayun, may gagawin na naman akong kwento at sana suportahan niyo din yun. :)

Ps: hindi ko na kasi crush yung crush kong bakla kaya tatapusin ko na 'to. Charot. He will be forever in my heart. Hahaha <3

---

Nagising si Ezekiel na pawis na pawis. Nagigimbal siya sa mga napanaginipan niya.

"Ayos ka lang ba Ezekiel?" tanong ni Andrei kay Ezekiel paglabas nito ng kusina ng kanyang condo.
"Ayos lang naman. Grabe yung panaginip ko. Pinagpawisan ako dun." sagot naman ni Ezekiel kay Andrei.

"Oh, eto uminom ka muna ng tubig. Para naman kumalma ka." inabutan ni Andrei ng tubig si Ezekiel. Dahil naka-topless naman si Ezekiel ay pinunsan na ni Andrei ang likod nito.

"Ano ba yung napanaginipan mo?" tanong ni Andrei.
"Si... si ate Jenny. Grabe parang ang haba nun para sa isang tulugan lang." pagkukwento ni Ezekiel kay Andrei.
"Oh siya. Eto kumain ka muna. Hinandaan kita at alam kong pagod ka sa trabaho. Sa dami ng trinabaho natin kanina." sobrang maalaga ni Andrei kay Ezekiel. Pagtanaw

Habang kumakain si Ezekiel ay biglang bumukas ang pinto ng kanyang condo niya at lumapit ang isang cute na bata.

"Hi pappi! Hi dad!" bati nito kay Ezekiel at Andrei.

"Kamusta na ang baby namin? Huh?!" Agad na niyakap ng dalawa ang kanilang anak.
"Ano? Kamusta ang school?" agad na napangiti ang batang babae sa kanyang pappi Ezekiel.

Nagpababa ang bata dahil buhat siya ng dalawa. Agad niyang inilabas ang notebook nito na naglalaman ng quiz nila kanina lamang.

"Eto po pappi! Dad! Naka perfect ako sa quiz po namin kanina! Tapos sabi ni teacher dahil po attentive daw ako sa school may star akong nakuha!" lumapit ang dalawa para tingnan ang nakuhang achievement ng batang si Hyorin.

"Wow! Ang galing galing naman ng baby namin! Isa ngang kiss diyan!" request ni Ezekiel kay Kiera.

Binigyan nito ng isang matunog na halik sa pisngi ang huli. Matapos nito ay nagsalita din si Andrei.

"Ganon?! Si pappi lang? Ako wala?" may pagtatampong tugon ni Andrei.

Agad na lumapit si Keira sa dad niya at binigyan din siya ng isang matunog na halik.

"Aba, aba ano kayo lang? Pagkatapos kong habul-habulin yang batang yan?" panenermon ni Jenny mula sa pinto ng condo nila ni Ezekiel.

"Hahaha, mommy! I'm sorry. Excited lang po akong ibalita sa mga pogi kong daddies ang nakuha ko. I'll give a kiss to you mommy!" kahit na madaming dalahin si Jenny ay pinilit nitong yumuko para mahalikan siya ng anak niya.

"You're not tired na po mommy?" ngiting ngiti na tanong ni Keira.

Sino nga bang hindi mawawala ang pagod dahil sa isang cute na bata ang magbibigay sayo ng isang kiss ant smile? Agad namang lumapit si Ezekiel sa asawa nito at tinulungan buhatin ang mga pinamalengke nito.

"Hahaha, ang misis ko pagod na pagod." isang halik din sa labi ang natanggap nito mula sa asawa.

"Hoy, tama na yan. Naiinggit na ako. Hahahaha, ibaba niyo na nga yang mga pinamili niyo dito. Nilalanggam na ako." pagrereklamo ni Andrei.

Nagtawanan lang ang tatlo.

Bakit nga ba nasa condo ng mag-asawa si Andrei? Magkatrabaho si Andrei at Ezekiel sa company na handle noon ang grupo nila Jenny. At dahil hindi pa nakakahanap ng matitirhan si Andrei ay pansamantala muna nila itong pinatira sa condo nila.

Wala nang malisya sa kanilang tatlo kung magkasama pa sila sa iisang bahay. Iwinaksi na nila ang matagal ng namagitan sa kanila. At ika nga ni Ezekiel ay totoo na siyang lalaki, na minsan ay nagagawa pa ding magbakla-baklaan. Alam ito ni Keira na madalas ay ikinatutuwa ng bata dahil namemake up-an daw siya ng kanyang pappi. At dahil ninong naman si Andrei ni Keira eh dad na ang naitatawag nito na parang totoong anak na rin ang turing nito sa bata.

"Ikaw naman kasi. Sabi sa'yo ligawan mo na si Crenz. Alam mo, tanggalin mo na yang hiya-hiya mo na yan. Hahaha" payo ni Ezekiel sa kanya.
"Sa totoo lang nagkaka contact na ulit kami ni Crenz at sabi niya pupunta daw siya dito next month." nanlaki naman pareho ang mata ng mag-asawa.

"Edi ayos! Pormahan mo na habang nandito pa. Sus, may gusto ka naman dun eh." nagkatawanan na lang sila sa pang-aasar ng mag-asawa kay Andrei.

---

Oras na ng pagtulog nila ng maa-alala na naman ni Ezekiel ang panaginip niya kanina.

"Alam mo hon, napanaginipan ko kaninang hapon yung nangyari sa atin noon. Simula nung makilala kita. Hanggang sa ngayon." pagkukwento niya kay Jenny.

"Oh ano naman ang meron?" tanong ni Jenny.
"Wala naman. Naalala ko lang lahat ng pinag daanan natin. Ganun pala kahirap yung naging relasyon natin. Pero hanggang ngayon tayo pa din." nginitian naman siya ni Jenny.

"Alam mo hon, yan kasi yung nagpatibay sa atin. Lahat na ng pwede nating maranasan, naranasan na natin eh. At naging matapang tayo at nalampasan natin lahat ng yun. I love you hon." hinalikan ni Jenny si Ezekiel.

Isang kakaibang ngiti ang isinukli ni Ezekiel kay Jenny.

"Gusto mo sundan natin si Keira?" paghahamon ni Ezekiel.
"At ako pa talaga ang hinamon mo ah!" at matapang na tinugunan ni Jenny ang hamon ni Ezekiel.

Pero hindi pa sila nagsisimula ay biglang pumasok si Keira sa kwarto nila. Napatayo tuloy ang mag-asawa.

"Mommy, pappi! Can I sleep here? Kumikidlat po kasi eh. I'm afraid. Please?" napangiti na lang ang mag-asawa sa anak nila.

Nakahiga na silang tatlo at nasa pagitan ng mag-asawa si Keira.

"Sayang, bitin." bulong ni Ezekiel.

Hampas sabay tawa naman ang itinugon ni Jenny.

"Baliw! Di pa nga nagsisimula eh!" at tumawa sila ng mahina para di magising ang anak nila.

"I love you Jenny!" sambit ni Ezekiel.
"I love you too, Ezekiel." at mahimbing na natulog ang pamilya.

---

Oraaaaaaaayt! Tapos na. Woooh! <3 <3 thank you ulit sa suporta. Mwa mwa chup chup :*

Chasing The GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon