Chapter 18:

3.7K 113 2
                                    

Jezriel's POV

(Gagawin ko munang tagapagsalaysay 'tong babaeng 'to dito. Hehehe.)

Hmmp, sige na nga. Para sa ikauunlad ng pagmamahalan ng bading at ng babae. Mwahahaha.

Nakita kong unti-unting lumayo si ate Jenny kay Ezekiel.

Alam mo yun? Yung feeling na kanina parang nag uusap ang mga mata nila tapos yung miss na miss na nila yung isa't isa tapos maya maya lang biglang lumayo si at Jenny sa kanya.

Pero parang alam ko ang dahilan.

Kanina kasi tumingin siya sa akin. Grabe, sobrang ganda na ni ate Jenny. Kahit na medyo tan color siya ang kinis at ang ganda niya pa din. Tapos bumagay pa yung gown niya na may kintab kinta na puti at silver. Para nga siyang si Elsa. Pati yung buhok gayang gaya. Pero nung pagkalingon niya kay bruha, parang may narealize siya tapos yun na.

Grr, panira ka talaga ng love story kang bruha ka.

Natapos ang kanta ni ate Jenny. Paalis na siya ng tumayo si Ezekiel, anong gagawin nito? Eskandalosa? Sa harap ng lahat ng studyante? At may paparazzi pa. Naku, ang image ng STAR!

Pero hindi pa man tuluyang nakakalapit si Ezekiel ay nakita namin papatumba na si ate Jenny. Anyare dun?

Pero dahil mabilis si Ezekiel, agad niyang nasalo si ate Jenny.

Yiee, ayan na naman! Kung nandito lang kayo ngayon, para kang nakakapanood ng isang fairy tale story. Kulang na lang ang puso at butterfly sa paligid nila at ganoon na nga yun.

At napansin kong parang ang bad boy ng image ni Ezekiel. Akalain mong nakasando lang siya tapos yung uniform niya eh nakasauot naman sa kanya pero nakatong lang parang ganun tapos messy hair, tapos yung outfit pa ni ate Jenny.

At nagkatitigan sila! Shocks, yung sparks. Pero dumami ang paparazzi na nagpipicture kaya agad akong humarang sa kanila tapos kinalabit ko si Ezekiel.

"Huy bakla. Care to stand?" kahit ayoko silang guluhin eh kailangan. Nakita naman namin na binuhat na parang bagong kasal ni Ezekiel si ate Jenny. Waaah. Ang sarap picturan. Hihihi.

Nakita ko naman si bruha na nakanganga at inismiran ko. Huh! Kita mo? Mas bagay si ate Jenny at Ezekiel.

Ezekiel's POV

Buhat buhat ko ngayon si ate Jenny ala bride style. And hindi ko na matanggal ang ngiti sa mga labi ko.

Nang makarating kami sa dressing room nila ay agad ko siyang binaba. Pero hindi ko pa man binibitawan ng tuluyan ang buong katawan niya ay niyakap ko na ito.

Naramdaman ko namang nag stiffen si ate Jenny.

"Sobrang namiss kita Jenny. Wag na wag ka ng aalis please." naramdaman kong yumakap din siya pabalik. Sobrang saya ko, sana hindi na ako magising kung panaginip man 'to.

Jenny's POV

Umiiyak siya.

Yakap niya ako ngayon, at hindi ko na rin mapigilan pa ang pagka miss sa kanya kaya niyakap ko na siya pabalik.

At parang huminto yung oras para sa aming dalawa. Humiwalay ako sa yakap at tinitigan muli ang mukha niya.

"Ate Jenny… b-bakit mo ba ako iniwan? Halos mamatay na ako kakahintay sayo. Sorry sa lahat ng gianawa ko sayo. Hinding hindi na mauulit pa. Wag mo na akong iiwan ulit. Mamatay na ako kapag iniwan mo ulit ako." parang isang batang nagmamakaawa sa akin si Ezekiel.

"Oo, hindi na." and in that sentence he claimed my lips. A kiss that is so passionate, yung kiss na ramdam mo ang sobrang pagkamiss.

ERICA.

Napatigil ako sa ginagawa namin, at tiningnan naman niya ako ng nagtataka. Humiwalay ako at sumambit ng…

"Mali 'to Ezekiel. May girlfriend ka na." at para siyang natauhan sa nangyari.

Nakita ko siyang napayuko.

"Tama, si Erica." at bumuntong hininga ito ng napakalalim.

Napakatagal na katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. At narinig ko na lang na biglang pumasok ang mga kagrupo ko kasama ang mga stylist namin.

"Oh, unnie. Ah, mianhe--" si Bora. Napansin niya kaagad si Ezekiel.
"Ah gwaenchana. He's going too…" tiningnan ko si Ezekiel, like before a super cold stare.
"Magpeprepare pa kami para sa susunod na intermission, pwedeng lumabas ka muna." pero hindi ko inaasahan na bigla na lang siyang maiiyak. At lumabas siya ng walang sinasabi.

Lumapit si Bora, So at si Som sa akin. Hindi ko napansing umiiyak na pala ako. I hate it. I hate this! Bakit ba kasi minahal kita?

Chasing The GayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon