COG #8 : Regrets

88 9 0
                                    

Cean.

Pumunta ako sa bahay ni Ariana, bakit? Kasi may iniutos sakin si Mama na ibibigay ko daw sa Mommy ni Ariana, pati na rin yung advance gift niya kay Ariana para sa contest na AKALA nila ay sumali yung babaeng yon.

"Hello po, Tita." Bati ko saka nagpatuloy sa pagpasok. "Pinapabigay po ni Mama sainyo."

Lumapit siya sakin at iniabot ko na yung ulam. "Sabi po ni Mama, pambawi daw po yan sa pagluto niyo po sa kanila ng paborito pong pagkain. Sorry daw po at napatagal."

"Waa! Kuya Cean!" Biglang salubong ni Ylona at yumakap sa beywang ko. "Mutcha na kayo?"

"Ayos lang ako, babyy! Miss mo si Kuya?" Tumango siya ng nakangiti.

"Ay, salamat! Nako sabihin mo ayos na ayos lang. Ah, kung hinahanp mo si Arianne, wala pa siya e. Hindi pa siya nakakauwi. Mag aala-sinco na, nakita mo ba siya?"

Huh? Hindi pa siya nakakauwi? Bago yun ah.

Parati siyang maagang umuwi dahil ayaw daw na abutin siya ng malas bago pa siya makauwi, unless may laban sila.

Teka.. did I just say.. Laban?

"Hindi po e. Hanapin ko na lang po." Pinalo niya ako ng pabiro sa braso.

"Nako, wag na. Uuwi rin yun, busy lang siguro sa school. Siguro may activity sila. Kayo ba, wala?"

Hindi ba niya alam na kaklase ko lang siya? Wala siyang sinasabi sa parents niya?

"Ahh wala.. siguro nga po. Sige po tita, hindi rin po kasi ako magtatagal. Bye po! Bye baby Ylona!" Kaway ko saka umalis.

Posible kayang.. nasa laban si Ariana?

"Hay nako, asan ka ba?" Naglingon lingon ako saka nagsimulang maglakad palayo.

Baka kung anong manyari sayo, umabot pa to kina Tita. Nako! Hindi kita kayang pag-takpan sa kanila. -_-

Napagpasyahan kong pumunta sa park, ewan pero pakiramdam ko kasi nanduon siya. Pero, mali rin naman ako.

Asan ba siya? Pinagaalala niya ako!

Nung paalis na ako sa park, saka ko narealize na nasa labas lang pala ako ng S.U, kung saan ako nagpuntang park. Oo nga pala, S.U ang may ari ng park na to.

Lumakad na lang uli ako hanggang sa may narinig akong sigaw mula sa likod ng building.. pero building ng ano?

"Ariana, ilag!"

Saktong napalingon ako dun sa pangalan na narinig ko. Teka, wag mong sabihing sa likod ng S.U sila may laban? Bawal yun! That's an Illegal battle, and once na malaman to ni Master. Naku patay sila kay Master!

Sumilip ako sa likod ng S.U at nagtago sa malaking puno. Nanlaki mata ko, dahil bumagsak si Ariana dahil sa isang kahoy na ipinamhampas sa ulo niya. Fck! Masakit yun!

Argh! Sinong mga ptangina ang naghamon sa mga to ha?! Nakalimutan ba nilang, babae ang hinahamon nila?!

Biglang nagyukom ang mga kamay ko nung nakita ko ang isa pang gang.. Mga nakatingin lang kay Ariana.

Grabe na talaga ang naidudulot ng katol ngayon! Buset!

Umalis na ako sa kinatatayuan ko at umuwi sa bahay, deretso lang sa kwarto ko at naglock. Si Ariana lang naman kasi ang pinaka-close kong pinsan, na parang kapatid na rin ang turingan.

At oras na may manyari sa kanyang masama, kakalimutan ko ang rule sa gang at talagang bubugbugin lahat ng makakasakit sa kaniya!

Saang ospital kaya siya pwedeng dalhin ng mga yun para sana kusa na akong pumunta duon.

Clash of GangsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora