COG #18 : Unknown caller

47 4 0
                                    

Bianca.

"Tingin mo, dapat ikaw lang ang magsorry?" Napatingin yung tatlo sa akin.

Hindi na namin muna hinabol si Ariana, pinigilan ko muna sila at saka iyon tinanong.

"Bakit.. dapat ba pati tayo?" Tanong ni Zack. "Maliban yan sa akin, dahil matagal na kaming close." Sabat ni Cean.

"Magso-sorry na ako ngayon." Akmang tatayo na si Bea pero hinigit ko siya paupo uli. "O, bakit?"

"Tayong tatlo. Sabay sabay."

"Huh? Wag naman sabay sabay." Nilingon ko si Cean. "Isa isa lang, dahil syempre.. privacy noh."

Sabi ko nga. Tumayo ako. "Edi fine, ako muna ang unang hihingi ng sorry sa kaniya."

Tumayo rin si Bea. "Hindi, ako dapat. Ako ang may mabigat na kasalanan sa kaniya."

This time, si Zack naman. "No. Ako dapat. Ako nagpasimula ng lahat e."

Napatingin kami kay Cean na nanonood lang. "Ano?"

"Wala." Sabay sabay naming sabi hanggang sa nagkagulo na kami kung sino ang mauuna, buti na lang kumilos na tong si Cean.

"Hep! Ang tagal ng commercial. Ganito na lang. Mauuna si Bianca, kasi mababaw lang ang napagawayan nila. Sunod si Zack, dahil hindi naman niya sinaktan si Ariana. Huli ka na, Bea.. Dahil sayo siya nasasaktan. Ano, clear?"

I sighed and then nod. "Sige. Una na ako, at hahanapin ko pa siya. Bye. Wish me luck!" Sigaw ko habang patakbo.

Habang hanap-hanap si Ariana, hindi ko napansin na makakasalubong at makaka-banggaan ko pa siya. "Sorry," tiningnan ko siya. "Sorry Hu - "

"Sorry is enough. You don't have to say my name, you don't have the right to say it." Pagkalakad niya, humarap ako at nagsalita.

"Hindi mo ba ako mapapatawad ha?! Haha.. This is so stupid. Hunter - I mean, De Vera. Nagsisisi ako kasi pagkatapos mo ko iligtas nuon, ito nagawa ko sayo. Nasaktan ka dahil sa girlfriend mo. Sorry, if you want.. I'll talk to her and clear this mess. And.. And I promise you that she'll be back for you and love you, again."

I saw him shook his head without looking then began to walk away.

Dmn it! Hindi na ba niya ako kayang patawarin?! Ganon ba niya kamahal ang girlfriend niya, para magalit sa akin ng ganito kasobra?!

Tumakbo na lang ako, papuntang backstage sana ng auditorium pero nagulat ako - pati siya nung pagliko niya at pagliko ko ay nagkita kami. Sino pa, edi si Ariana.

"Ariana.."

"Excu - " Nahinto siya at sinamaan ako ng tingin. "I said excuse!"

"Let's talk. Please."

"I don't want! Don't touch me! Fck you btch!" Sa sobrang lakas ng tulak niya, halos magshoot na ako sa basurahan.

Hinabol ko siya at hinarang, at mariin na hinawakan sa balikat para hindi siya makatakas sa akin.

"Hey, hindi ko alam kung ano naging kasalanan ko sayo! Nagalit lang ako sayo, nung time na kami na lang ni Bea ang magkakampi. Sorry kasi pati ikaw nadamay ko sa galit na dapat ay si Zack lang! Sorry na Ariana, I'm so.. so sorry. And sa nakita mo kanina, oo bati na kaming apat. Pero Ariana, hindi parin naman kami masaya kahit na nakita mo kaming nagtatawanan!"

Binitawan ko na siya, dahil alam ko namang makikinig na siya. I sighed. "Sorry, sorry. Sorry. Nagsisisi ako sa lahat.. sa lahat lahat. Sorry talaga, sorry."

Please, forgive me. Please.

Nakita ko siyang bumuntong hininga. "I don't know. Yan. Yan ang sagot ko, you may go now."

Clash of GangsWhere stories live. Discover now