COG #38 : Shippers

36 2 0
                                    

Bianca.

Bwisit na Cean 'to! Hindi ba uso sa kaniya ang manahimik?! Ilang araw na siyang ganito e! Joker! Minsan naman ang corni! Sobra!

Naku, kung hindi lang nagmo-moment ang bago kong shini-ship na ArianTer, kanina ko pa 'to sinumbong kay Ariana! Bakit kasi ngayon pa nagaaway ang dalawang 'to?!

"Ewan ko sayo! Drug addict!" Gulat kaming napatingin ni Cean kay Ariana. "Anong sinabi mo?!"

"Ah talagang gusto mo pang ulitin ko ah?! Pwes, sige! Ang sabi ko lang naman ay - "

"You really think I am a Drug Addict?" Taas kilay na tumango si Ariana. "How could you even think of that without even thinking of my sister?"

Gets.

Oo nga naman, may kapatid si Hunter. Kaya malabong magawa niya yun..

"S-So? Pakealam ko?!" Irap ni Ariana sabay lapit sa akin. Alam kong napahiya at na-guilty siya duon.

Grabe naman kasi 'to! Pranka kung pranka talaga minsan e!

"Pahiya ka noh?" Bulong ko sa kaniya habang nakatitig kay Hunter na ngayon ay tulala na lang sa kawalan habang nakapatong ang braso sa tuhod. Napansin ko ang pagtango niya. "Go ahead, say sorry."

"Alam mong hindi ako nagso-sorry sa hindi ko kaibigan." Kinibit balikat ko na lang ang sinabi niya.

"Alam mo," Panimula ko. "Sa totoo lang, nagseselos ako sa inyo ni Hunter."

Mukha ko naman siyang nagulat dahil napatingin siya sa akin ng wala sa oras. "You're kidding me, right?"

Tiningnan ko na rin siya. "Sana nga joker na lang ako, para hindi mabilis mabigyan ng pansin yung mga sinasabi ko." Bumuntong hininga ako at tumango. "Pero Oo, nagseselos ako."

"Haha! Anong ka-tngahan yan, Bianca? Kita mo naman diba? Ayaw ko sa lalaking yun!" Turo niya kay Hunter. Medyo pasigaw na sabi niya yun pero para na ring bulong dahil kami lang dalawa ang nakakarinig.

"Wala e," kibit balikat kong sabi. "Gusto ko siya." Saka ko siya tiningnan. Para naman siyang nanlumo sabay sandal uli.

Kaya ako naman ngayon ang napaharap sa kaniya habang siya ang hindi naman nakatingin sakin. "Oh bakit?"

"Mukhang wala ng pagasa ang shini-ship ko," Kumunot naman ang noo ko. "Huh?"

Tumingin siya sa akin saglit sabay kay Cean na nasa kabilang sulok. "Ang CeaNca." (Pronounced as she-yan-ka)

Napalo ko naman siya ng malakas sa braso kaya natumba rin siya. "Tae ka! Ano ba?!"

Napatingin na sa aming dalawa yung mga lalaki. Okay, bakit ko ba kasi tinulak si Ariana?!

"Tsk! Ang sakit tuloy ng braso ko!" Sigaw pa ni Ariana habang iniikot ikot ang braso niya. Nag-peace sign naman ako.

"Oh? Tinitingin-tingin niyo diyan? Wag kayong tsimoso naguusap kami!" Nagbalik naman sila sa ginagawa nila. "At ikaw, umayos ka."

"Sorry na nga e," bigla naman akong umirap. "Bwisit ka kasing pta ka."

"Aba't bakit mo ko minumurahan?!" Pabulong na sigaw niya sa akin, nagkibit balikat lang ko. "Umigi ka."

"Umayos ka rin. CeaNca pang nalalaman ang corni naman. Mas maganda pa ang ArianTer ko." Ako naman ngayon ang napalo ng malakas sa braso kaya ako naman ngayon ang natumba.

"Shete, ano ba?!" Napatingin na naman sa amin yung dalawang lalaki.

"Oh ano na namang - "

"Alam niyo, wag kasi kayong sumigaw kung ayaw niyong mapatingin kami sa inyo." Putol ni Hunter kay Ariana.

Clash of GangsWhere stories live. Discover now