COG #53 : Handbook

35 1 0
                                    

Bianca.

Sa kinabukasan na nga pala ang clash namin, hanggang ngayon hindi ko parin alam kung ano ba dapat kong maramdaman. Kung excitement ba o.. takot?

Pero sana. Sana talaga manalo kami dito. Sana manalo kami ng hindi namin nasasaktan si Bea. Ang hirap naman kasi! Pinaghiwalay pa!

"Ang lalim yata ng iniisip ng girlfriend ko," Talagang kina-career niya 'to ah. Tngina. "Anong problema?"

"Argh. Wala. May naisip lang." Sabi ko.

Nandito kami ngayon nagte-training at ang Van sa 4minute, napaka-layas! Umalis na naman! Bwisit. Kung hindi ko lang yan kakampi, baka bali bali na ang buto nan!

"Sus, sa clash yan ano?" Tumango tango ako. "Hayy. Kahit ako kinakabahan e. Pero wala talaga tayong ibang choice kundi ang pumayag sa kagustuhan ni Master."

Tumango na lang ako saka uli nagtraining, nakakalagod pero enjoy. Maya maya bihlang nagsalita si Arianne. "Alis lang ako."

"Bakit?" Tanong ni Zack.

"Si Hunter," Anong meron dun? Atsaka.. Bakit nga pala yun wala dito? "Malay ko. Basta napaaway daw."

Tumango kaming lahat saka siya nagtatakbo palabas. "Mahal naman niya si Hunter nagpalaligaw pa."

Sinagot ko naman si Cean. "Syempre, dalagang pilipina."

Nagshrug na lang siya ganun rin ako saka nagpatuloy sa pagte-training. Hoo! Kangalay sa braso.

"Ngalay ka na ba?" Tanong sa akin ni Cean, nahpatuloy lang ako sa pagte-training saka tumango. "Ako rin e."

"Share mo lang?" Pang-aasar ko.

"Meant to be talaga tayo. Biruin mo yun, pareho tayong ngalay? Haha."

Natigilan ako sabay haral sa kaniya. "G*go. Dahil lang dun? Ptangina." Sabay suntok uli sa pinagte-training-an ko.

"Maka-mura naman 'to wagas! Diba sabi ko sayo wag na - "

"Shutngina! Huy, ino-OP niyo ba ako?!" Bigla kaming napalingon kay Zack saka kina Ariana na nakatingin na rin kay Zack.

"Oo na! Ako na! Ako na ang walang kalampungan!" Sabi niya habang nakalahad pa ang dalawang kamay. Tawanan naman kami. "Tapos tinatawanan niyo pa ako!"

"Sorry I'm late," Yun. Nakarating na ang 'kalampungan' niya. "Miss me, Mr. Cuvinar?"

Bigla naman siyang inakbayan ni Zack. "Oks na. Lampungan na kayo uli."

"Buti napaaga ka, nao-OP ako dun sa mga yan. Namiss pa kita." Rinig kong pam-bobola ni Zack. Psh.

"Nga eh, patapos na rin naman kami kaya nauna na ako." Sagot sa kaniya ni Bea habang paupo sila sa sahig.

"I love you." Out of nowhere bigla na lang niya yun sinabi. Like, wtf?!

"Aray ko naman! Magingat ka nga! Ayaw ko ng ma-hospital uli, okay?!" Kahit kailan ang sweet ng babaeng 'to sa manliligaw niya.

"Sorry," Tayuan ang balahibo ko nung hawakan ni Hunter pisngi ni Ariana! "And I won't.. let it happen."

"Yayamin ka ba? Ang hilig mong sumagot ng english sa akin, e!" Sabay palo niya sa braso ni Hunter kaya hindi nawala na yung hawak nito sa pisngi.

"Buti pa tayo, sweet sa isa't isa." Singit ni Cean sabay taas ko ng kilay sa kaniya. "Awayin rin kita, gusto mo?"

"Wag! Ayaw kong magkasakitan tayo!"

"Awan sayo." Sabay upo ko na sa sahig at sumandal sa pader.

Clash of GangsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon