COG #29 : Ariana No. 2

40 2 0
                                    

Beatriz.

"S-sorry.. Hindi ko kayo kilala. Atsaka.. Wala pala. Bye!" Akmang patakbo na si Ariana palayo sa amin nung maabutan pa siya ni Zack.

"Hindi.. Kumain ka na muna. Atsaka, ano bang nanyari sayo? Kanina lang patawid ka palayo sa carenderya na to, tapos ngayon nandito ka na?"

Kahit ako nagtataka kung paano iyon nanyari. Pero parang may duda ako.. Parang hindi siya si Ariana. Hindi siya si Ariana.

Yung Ariana na kanina'y patawid, ang tunay na Ariana. Hindi ko lang alam kung bakit biglang umiba ang ugali ng kaibigan ko. Siguro dahil yun sa nanyari sa kaniya nung nakidnap siya.

Akala niya e pinabayaan na namin siya. Naiintindihan ko siya. Pero itong Ariana na nasa harap ko? Hindi talaga siya yan.

Hindi naman ganiyan kabait si Ariana. Yung kung hanggang saan lang niya kaya maging mabait, hanggang dun lang talaga. Pero siya? Parang sagad kasi sa kabaitan to e. Ang amo ng mukha.

Lumapit ako kay Zack at bumulong. "Zack, she's not Ariana. She's fake."

Napalingon naman siya sa akin at kumunot ang noo. "Huh?"

"Zack - "

"Hey! Hey Miss! Ariana saglit!" Wala na akong nagawa kundi makihabol sa kanila. Bigla kasing hinabol ni Zack itong fake Ariana na yun nung biglang naka-kawala ito sa pagkaka-hawak sa kaniya ni Zack.

"Zack! Zack wag mo na.. Wag mo na siyang habulin! Hindi naman.. Hindi naman siya si.. Si Ariana!" Hingal na hingal na ako sa kakatakbo dahil ang OA tumakbo nitong isang to.

It's better if I should stop this sht. Huminto ako at naupo sa may damuhan. Hinahabol ang hininga ko, saka ko kinuha ang phone ko at dinial ang no. ni Cean.

Ano ba yan, ang tagal sumagot. Nasa bahay kaya to?

Finally!

(Hello?)

"Cean, si.. Si Zack. May hinahabol."

(Ah, hayaan mo na. Mahilig lang talaga yan sa aso. Nakalimutan mo na?)

"Tnga ka! Hindi aso ang hinahabol niya. Tatawagan ba kita kung aso lang pala ang issue dito?"

(Okay, okay chill. High blood ka na e. Para kang si Ariana.. Sino ba kasing hinahabol ng ugok na yan? Babae ba? Chix?)

"Hindi chix! Pero Oo, babae ang hinahabol niya."

(Eeedi pabayae mo na. Baka naglala - )

"May isa pa kasi kaming Ariana na nakilala! Kamukhang-kamukha niya si Ariana. At yun ang hinahabol ni Zack ngayon."

(WTF?! May Ariana na, bakit pa niya iyan hinahabol?)

"Yun na nga e. Isa pa yung tnga. Sunduin mo naman ako dito oh, nasa may park na kami. Pero dun ka na lang sa tapat ng park magintay sa akin. Sa may carenderya."

Sabay baba ko na ng phone. Bumuntong hininga pa uli ako sabay himas sa ulo ko.

Maya maya ay may tumawag na naman.. Ang unknown caller. Buhay pa pala to?

"He - "

(Mini mini my ni mo. Who among these two are fake? Her or Her? Mini mini - )

"Fck you, btch!" Sabay baba ko ng phone. May kinalaman ang unknown caller sa dalawang Ariana na to?!

Bakit ba hindi ko iyon naisip?! Ako rin pala, tnga.

Napapikit ako ng mariin. Konting konti na lang.. Konting konti na lang talaga, kahit hindi ko man gustuhin, makakapatay na ako.

Clash of GangsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon