COG #32 : Tuloy parin

36 1 0
                                    

Hunter.

Ang weird talaga ng pagkakaibigan nung lima. Magaaway, magbabati. Magkakagulo, magka-kaayos. Mag kakaibigan ba talaga sila? Tsk.

Umalis na ako sa kinatatayuan ko kung saan ko sila nakitang nagaaway. Dahil sa dalawang Ariana. Swerte ko't hindi ko sila kinaibigan. -_- Ayaw ko ng may pinagsisisihan.

Pumunta na lang ako sa hospital para balitaan ang operasyon ng kapatid ko. Hanggang ngayon pala ino-operahan parin siya. Ilang oras ba ang pagpapa-opera sa mga may tumor? Bwisit, gustom na ako!

Tngina, wala na nga pala akong pera.

Bakit pa ba kasi ako tinanggal sa trabaho?! Maghahanap na naman ako ng bagong trabaho. Aish bwisit na buhay to oh! Kung pwede lang akong pumili ng buhay na gusto ko, siguro hindi ako magmu-mukhang tnga na namumulubi sa pera.

"Kuya.. Gutom na ako."

Hinarap ko siya at tiningnan ng masama. "Gutom ka?" Tumango siya.

"Edi humanap ka ng pera mo pambili! Wag kang ta-tnga tnga diyan! Kumilos ka!" Nakaka-busangot na araw to, kahit kailan!

"Kuya, nagbabaka-sakali lang naman kasi ako."

"Ewan ko sayo!" Tumayo ako at lumapit sa pinto kung saan duon ino-operahan si Hanna.

Sana, sana maging ligtas ang opersayon niya. Dahil kung hindi, hindi ako magdadalawang isip na pumatay.

Siya ang dahilan kung bakit hirap akong matulog. Kung hindi naglala-layas itong babaeng to, hindi masasa-gasaan ang kapatid ko! Bwisit, ang hilig kasing magmarunong.

"Kuya, saan ka pupunta?" Huminto ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Hahanap ng trabaho. Nakakahiya naman kasi sayo, baka masermonan mo na naman ako." Sinamaan ko siya ng tingin saka ako umalis.

Pagkalabas ko ng hospital nagsimula na akong maglakad palayo. Sht. Hindi ko na alam kung saan ba ako dapat magtrabaho.

Tsk, bahala na.

Napahawak ako sa bulsa ng pantalon ko nung may marinig akong parang mga barya na natunog tunog. Nung nilabas ko iyon, shete 4 na piso lang pala!

Kung tumunog parang ang rami ng laman. Tsk! Pambihira paasa!

Sigarilyo lang naman mabibili dito. Edi iyon na nga lang naman ang gagamitin ko. Atleast may napala pa itong 4 na pisong ito.

"Dalawa." Sabi ko sa tinderang parang siraulo na kinikilig kilig sa harap ko. Psh, "Sabing dalawa. Wag kang pabebe."

Sumama naman ang aura niya nuong marinig niya iyon, at wala akong pakealam duon!

"Ang sungit mo naman, pasalamat ka nga at may nagwa-gwapuhan pa saiyo."

"Bakit sa tingin mo naghahanap ako ng katulad mong magwa-gwapuhan sa akin? Maarte ka lang." Sabi ko at pabagsak na inabot sa kaniya yung 4 pesos ko at saka sinindihan yung isa kong sigarilyo.

"You're too harsh, Hunter." Nahinto ako sa paglalakad at nilingon yung babaeng nagsalita at tumawag sa pangalan ko.

Inalos ko sigarilyo sa bibig ko. "Ariana?"

"Yes, Hunter. Why are you being so mean to that girl? What's with you?" Hindi. Peke to.

"Alam mo," lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang bawat hibla ng buhok niya. "Maganda ka sana."

Para namang siyang asong biglang ngumiti ng malapad. "Pero mangga-gaya ka. At di hamak na mas maganda parin yung totoong Ariana."

"Anong sinabi mo?!"

Clash of GangsWhere stories live. Discover now