Alipin

97 4 0
                                    

Sila'y nagsasabing ito'y mali
Ako'y nagnanakaw ng sandali
Magawa lamang ang para sa iyo
Kahit hindi mo mapagtanto.

Ang tanong ko'y 'bakit hindi' ?
Mga iniisip nila'y 'di ko mawari,
Hindi ba't mahal mo 'yong tao ?
Edi gawin mo kaniyang gusto.

Kahit di niya mapansin
Ang landas na ito'y pilit tatahakin
Siya'y pilit na paliligayahin
Kahit hindi siya mapasaakin.

Puso ma'y masaktan
Sa pagkahulog sa kaniya nang tuluyan
Ito'y akin pa ring ipaglalaban
Kahit hindi niya masuklian.

Ako'y walang pakialam sa sinasabi ng iba
Basta ikaw ay gusto kong mapaligaya
Kahit masaya ka sa piling ng iba
Ito'y hindi ko alintana
Basta sa puso ko sinta ika'y nag-iisa.

PatlangWhere stories live. Discover now