Palagi

500 6 0
                                    

Palagi

Pagkatapos kong basahin ang tula,

Ako ay napatulala,

Hindi ko alam kung ako'y maniniwala,

Totoo bang ako ang mahal niya ?

Baka nagbibiro lang siya ?

O jusko,

Kay tagal kong hinintay 'to,

Pero kung nananaginip lang ako,

Pakiusap, 'wag na sanang tumunog ang alarm clock ko.

Pero bigla kong naalala,

Aalis ka na nga pala,

At ako maiiwang mag-isa,

Pano na tayong dalawa ?

Ay oo nga pala,

Wala nga palang 'tayong dalawa,

Kaya bakit ako namomroblema,

Diba ?

Yan ang mga naisip ko non,

Nung iniwan mo ko nung mga panahong 'yon,

Buti nalang may tumulong sakin para maka move-on,

At siya ang kasa-kasama ko ngayon.

Naaalala ko pa,

Maga ang mata ko kada umaga,

Sa kadahilanang kada gabi iniiyakan kita,

Napakasakit, sobra.

Pero parte ka nalang ng alaala ko ngayon,

Parte ng aking mapait na kahapon,

Kasama ng sumpaan natin noon,

Na niluma na ngayon ng panahon.

Kasabay ng paglubog ng araw sa dapit hapon,

At pagsabi mo sakin ng 'mahal kita' noon,

Espesyal ka sakin mula noon hanggang ngayon,

Kaya sa puso ko, ika'y naroroon.

Paalam na,

Hanggang sa muli nating pagkikita,

Regalong ipinagkaloob ng langit at lupa,

Dito, ikaw sa puso ko'y mananahan sinta.

PatlangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon