Para Sa'yo Guro Ko

10.2K 16 3
                                    

Para Sa'yo Guro Ko

Gurong mahal ko,

Sana'y tanggapin mo,

Ang alay kong ito,

Isang tula para sa'yo.

Ang inyong kabutihan,

Ay hindi mapapantayan,

Ng kahit sino pa man, 

Inyo iyang pinatunayan.

Dahil kadalasan kami ay makulit,

Kayo ay nagagalit,

Kahit tiyansa ay maliit, 

Sana ay 'wag itong maulit.

'Wag magbago sana,

Ang inyong tiyaga,

At sakripisyong dala,

Para sa'ming mga bata.

Kayo ang aming patnubay,

Patungo sa tagumpay,

Para gumanda ang buhay,

At matulungan si nanay.

Mahal ko kayo,

O guro ko,

Salamat sa itinuro,

Itatago ko ito...

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Thank you for reading :) 

I'm open for suggestions and ideas :)

PatlangDove le storie prendono vita. Scoprilo ora