Maghintay

203 7 0
                                    

Maghintay

"Uy, ang gwapo~~",

Nang makita ko ang mukha mo,

Iyan ang unang katagang sinabi ko,

Nabighani kasi ako sa kagwapuhan mo.

First day of school yon,

Naaalala ko pa non,

Nginitian mo ko,

Akala ko pa nga nananaginip ako.

Hindi ko na pinansin,

Baka kasi nagbibiro ka lang sakin,

Parang landi lang, ganon ?

Alam mo naman, uso 'yon.

Hanggang sa nalaman ko kaklase pala kita,

Nagulat pa'ko nung sa classroom ika'y aking makita,

Katabi pa nga kita eh,

Cute ka naman, di bale.

Araw-araw kinukulit mo ko,

Biniro mo pa nga ako, sabi mo,

"Pwede bang manligaw sayo ?",

Natawa pa nga ako sa sinabi mo.

Close na close tayo non,

Hindi nga lang umabot ng hanggang ngayon,

Lumipat ka kasi ng eskwelahan,

At ako, naiwang luhaan,

Siyempre joke lang.

Maayos ang pagpapaalam natin,

Inilibre pa nga kita sa canteen,

First time yon !

Kuripot pa kasi ako 'non.

Oo nga pala, salamat sa tsokolate,

Saka sa card na nagsasabing,

"Salamat sa lahat, praning,

At alam mo, ito lang ang natatangi kong hiling...

Ang masabi sa'yong mahal kita,

Nasabi ko na pero 'di ka naman naniwala,

Ginawa mong biro ang nararamdaman ko sa'yo,

Alam mo bang nasaktan ako ?

Pero sa totoo lang,

Ayos lang,

Oo, ayos lang talaga,

Huwag ka nang makunsensya.

Huwag ka na ring mangulit,

Baka magbago pa ang aking isip,

Sige ka, baka hindi na ko bumalik,

Hahanapin mo ang aking yakap at halik.

Kaya sa huling pagkakataon,

Pagbigyan mo kong sabihin sa iyo ngayon,

Na mahal na mahal kita...

Simula dati pa.

Stay baliw,

Salamat sa iyo ako ay naaliw,

At ang puso ko sayo ay nabaliw,

At higit sa lahat tandaan mo, ang pagmamahal ko sayo'y 'di magmamaliw...

Kahit kailan,

Ang pagmamahal ko'y walang hanggan,

Tandaan mo 'yan,

Nakahanda akong iya'y patunayan.

Kahit hanggang sa muli nating pagkikita,

Asahan mong mahal pa rin kita,

O aking sinta,

Ang anghel na nalaglag sa lupa."

PatlangWhere stories live. Discover now