Dakilang Guro

8.2K 17 6
                                    

Dakilang Guro

Minamahal kong guro, ito ang alay ko sa'yo,

Itong tulang ito'y pinaghirapan ko,

Binuhos ko ang pagmamahal ko dito,

Dito sa tulang inaalay ko sa'yo.

Dahil sa'yo nakakapagbasa ako,

At nakakapagsulat sa papel na 'to,

Nakakabilang ng tama at wasto,

Ikaw ang ilaw at gabay sa buhay ko.

Dedikasyon sa trabaho ay mayroon ka,

Ikaw ay may angking sipag at tiyaga,

Ang hirap ay hindi inaalintana,

Inspirasyon ka sa aming mga bata.

Bawat tao'y nakatagpo na ng guro,

At isa lang ang masasabi ko rito,

Ang bawat isa sa kanila'y dakila,

May sakripisyong dala sa mga bata.

Kaya heto ako mahal na guro ko,

Inaalay sa'yo ang tula kong ito,

Pasasalamat sa mga ginawa mo,

At sa mga sakripisyong dinala mo.

Salamat sa'yo aking mahal na guro,

Magandang asal sa aki'y itinuro,

Ang lahat ng ito'y aking itatago,

Kaisa-isang sayo'y ipinangako...

~~~~~°°°~~~~~°°°°~~~~~

Sukat :

6-8 saknong

4 na taludturan bawat isang saknong

12 pantig bawat isang taludtod

-+-+-+-+-+-+-

On-the-spot poem making entry ^_^

I accept criticisms ( harsh comments are appreciated, really )

Thanks for reading :)

PatlangWhere stories live. Discover now