Kung nakakamatay lang sana ang kagandahan ko. Isa na akong kriminal ngayon dahil sa patong patong na kaso.
I-pinark ko ang sasakyan ko sa labas ng bar ni Lora. Huminga ako ng malalim at tumingin sa salamin. Syempre, I want to make sure na maganda ako. Na kahit saang anggulo tingnan aapaw ang ganda ko.
Napangiti tuloy ako sa aking isipan dahil sa kamalditahan ko.
After kong ayosin ang sarili ko ay seksi akong bumaba na ako ng sasakyan. With slow motion pa nga ang pagbaba ko sabay lakad ng maganda. Yung tipong pati bulag mapapalingon sa akin. Haha.
Gaya ng nakasanayan, sunod ang mga mata nila sa akin. Para ngang ngayon lang nakakita ng totoong babae. Hindi nga nakawala sa aking paningin ang pagkahulog ng susi nung isang guy dahil sa kakatitig sa akin. Tss!
Hindi rin nakawala sa paningin ko ang pagkatalisod nung babae dahilan para mahulog yung bag niya at kasabay nun ang pagtilapon nung dala niyang folder kaya nagkalat itong bumagsak sa lapag. Dali- dali naman niyang pinulot ang mga ito. Kinuha ko naman yung isang papel kahit labag sa utak ko. Gusto ko lang masampolan ang isang 'to.
"Ate thank you ha. " sabi pa niya matapos kung ibigay yung papel. Naiirita ako sa mukha niya.
"Wag mo kong tawaging ate hindi kita kapatid! " mataray kong sabi sabay irap ko sa kanya.
"S-sorry po. "
"Mukha na ba akong manang para galangin mo!? " sarcastic na sagot ko dahilan para mamula ang mukha niya dahil sa sinabi ko.
"Hindi naman po pasensya na. " magalang niyang tugon sabay yuko ng ulo. Akala ba niya makakalagpas siya sa kamalditahan ko. Tss!
"Okay lang naman na magkamali minsan pero wag mo naman sanang karerin! Dahil bukod sa nakakainis, hindi pa nakakatuwa! " pinagmasdan ko ng maigi ang kanyang mukha mula ulo hanggang paa sabay irap ko sa kanya. "Okay naman ang itsura mo! Tanga nga lang! "
Halos maluha-luha naman siya na kulang na lang umiyak na siya sa harapan ko. Sabi ko naman diba!? Ayuko ng tatanga-tanga!
"Ano! Tutunganga ka na lang ba diyan forever!? " Hindi ko talaga makontrol yung kamalditahan ko. Kaya kawawa naman ang babaeng 'to!
"Pasensya na ulit Ms------- "
"Ms. Lala. " pagsingit ko pero hindi ako nagpatinag sa pagtitig ko sa kanya. "Paminsan-minsan wag mong pairalin yang kabaitan mo! Kakawawain ka lang nila. GO OUT TO YOUR COMFORT ZONE! "
Pasalamat siya medyo mabait ako ngayon. Mabait na ako ng lagay na ito.
"Sasagot pa?? " inunahan ko na siya ng akma siyang magsasalita. Napatulala naman siya sa kawalan kaya iniwan ko na siya at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng bar.
Usual scenario ang makikita sa loob ng bar. Maingay. Maraming nag-iinom at nagsasaya. Yung mga boys kung makatingin sa akin parang mababali ang mga leeg nila. Sino ba naman kasi ang hindi mapapalingon sa kagandahan ko diba??
Derederetso akong pumunta sa may counter section kung saan natatanaw ko si Lora. Ang may ari ng bar na 'to. Nanatili akong nakatitig sa kanya at buong-buo na pinagmasdan ang isang gaya niya. I can't imagine na siya ang dahilan ng lahat kung bakit ako naging maldita. Kung bakit naging kagaya ko siya.
---
Two years ago ng mag cross ang landas naming dalawa. Naglalakad ako nun sa hallway habang nakayuko dahil sa kabi-kabilang lait sa akin. Nerd daw ako dahil sa suot kung malaking salamin. Walang alam sa fashion dahil sa pang manang kung suot. Idagdag ko pa ang pagiging mahiyain ko sa lahat. Takot nga akong makipagkaibigan eh. Bully ako nung nag-aaral pa ako. Until one day, nadapa ako sa hallway dahilan para pagtawanan ako ng mga estudyanteng nakapaligid sa akin.

BINABASA MO ANG
His Playing The Maldita (Complete) UNDER EDITING
Romance"Kung alam ko lang na paglalaruan mo ko. Eh di sana nakipaglaro na lang din ako sayo! " Anong kaya mong gawin para sa pag-ibig. Kaya mo bang paglaruan ang puso ng isang Maldita?? Paano kung ang larong ginawa mo ay ang maibigan siya?? What will you d...