Hindi ko alam kong kaya ko pa ba syang harapin o kaya ko pa syang kausapin , ang sakit sakit ng ginawa niya sa kin , niluko niya ko at pinag mukhang tanga, bakit ako pa ?? Bakit sa dinami dami ng pwede nyang lukuhin at pag laruan bakit ako pa ?? Wala naman akong ginawa , ang hirap hirap tanggapin lalo na yong taong dahilan kong bakit nasasaktan ako ay ang taong mahal ko.
Ang daya daya mo Dustin , akala ko pa naman ikaw na ang makakasama ko, masyado akong nag tiwala sayo , ginamit mo ang kahinaan ko para pag laruan ako, hindi ko alam kong kaya pa kitang patawarin , nasasaktan ako sa ginawa mo , sa ginawa niyo , ginawa niyo kong manok at pinag pustahan dahil sa isang laro na ginawa niyo , ang daya niyo , ang sama sama niyo , naging totoo ako sa kanila pero sila hindi , niluko nila ako.
•••• DUSTIN POV ••••
Hindi ko alam kong paano magiging okay ang lahat kasalanan ko naman eh , gaya nga ng sinasabi ko ako ang may kasalanan dahil pinag laruan ko siya , at gaya ng nalaman niyo si Otep at ako ay iisa. Hindi ko inisip na darating ang araw na malalaman niya ang totoo , masakit at mahirap dahil kahit paano mahal ko na si Lala.
Nasa may terrace ako ng kwarto ko , hindi ako makatulog dahil iniisip ko siya , nalulungkot ako dahil sa nasaktan ko siya lalo na ng makita ko syang umiiyak sa harap ko , hindi ko alam kong paano ko sys icocomfort , nanghihina ako , hindi ko magawang magsalita lalo na ng makita ko sa kanya yung labis na pighati at pag kamuhi sa kin. Its my fault , I don't know how to fix this , gusto kong humingi ng sorry sa kanya pero hindi ko alam kong paano at san ako magsisimula.
Nahihirapan din ako ngayon , hindi ko naman gusto to pero may karapatan siya na malaman ang lahat at ito na nga ba ang kinakatako ko , she hates me a lot lalong lalo na nong malaman niya na ako din si Otep , si Otep na naging malapit sa kanya , paano nga ba nangyare yon ??
•••• FLASHBACK ••••
Nasa may veranda kami nila Raffy at Gary para sa isang game na lalaruin namin , actually nakasanayan na naming gawin to kapalit ang ang pag kakaroon ng free ticket kahit sang bansa naisin naming pumunta and by this time ,sa Italy kami mag babakasyon at gaya ng ginagawa namin kailangan namin ng isang tao na pwede naming pag laruan.
Nakaupo sila Gary at Raffy sa kabilang table dito sa may balcony habang ako nakaharap sa kanila.
"Handa ka na ba Dustin ?? " Raffy
"Ako pa " Dustin
"I'm sure naman kinakabahan na yan sa ipapagawa natin " Gary
"Yan din ang gusto kong sabihin sayo "nakangiting sabi ni Raffy
Ngumiti ako habang nakatingin sa kanila.
"Sabihin niyo na lang mga bro para matapos na at humanda kayo " sabi ko
Tumayo si Raffy
"Well , madali lang naman to , since ikaw ang taya sa laro kaya pinag isipan naman ni Gary ang larong to " Raffy
"And what it is ?? " sabi ko
Tumingin si Raffy sa kin ng nakakaluko.
"Madali lang naman to Dustin , kailangan mong magkaroon ng girlfriend " Raffy
"Sus girlfriend lang pala baka nakakalimutan niyo sa ting tatlo ako ang habulin , bukas na bukas din makakahanap ako " sabi ko
"Wow bro ha , tingnan lang natin " Gary
Nakangiti lang sila.
"Tingnan natin " kinuha ni Raffy sa bag niya ang isang picture at nilapag niya sa may mesa, kaya napatingin kami ni Gary sa may mesa "In three months kailangan mong maging girlfriend ang nasa larawan " Raffy

YOU ARE READING
His Playing The Maldita (Complete) UNDER EDITING
Romance"Kung alam ko lang na paglalaruan mo ko. Eh di sana nakipaglaro na lang din ako sayo! " Anong kaya mong gawin para sa pag-ibig. Kaya mo bang paglaruan ang puso ng isang Maldita?? Paano kung ang larong ginawa mo ay ang maibigan siya?? What will you d...