Sa love talaga kapag masaya ka hindi mo makikita yung mga bagay na nakikita ng ibang tao pero wala naman dapat akong ipag alala diba ?? Kasi kilala ko na naman siya eh pero pa minsan minsan naiisip ko kong ganon ko na nga ba siya kakilala , ayuko naman na mag isip ng kong ano ano dahil ayukong mag duda dahil sabi nga nila nasisira ang relasyon dahil sa maling hinala and beside bat ako mag iisip ng kong ano ano kung alam kong lagi ko naman syang kasama.
As long as nakikita ko syang masaya wala akong dapat na ipangamba , dahil hindi dapat ako nag iisip ng kong ano ano , lalo na pag naaalala ko yung mga bagay na nag papasaya sa min, yung pagkasama ko siya na parang sa kanya lang umiikot ang mundo ko at wala akong makikitang kahit ano para mag duda ako sa kanya dahil ginagawa niya ang lahat to make me happy.
Ganon naman talaga pag mahal niyo ang isat isa wala kayong ibang iniisip kong hindi ang maging masaya , màlaya, gawin yung mga bagay na gusto nyong gawing mag kasama , at ang memories na yon ang mag papatibay sa inyong dalawa , at yun ang nararamdaman ko ngayon masaya lang pag kasama ko siya , his my life and my everything at wala na kong hihilingin pa kong hindi ang maging masaya kasama siya .
•••••• Dustin POV ••••••
Alam ko sa umpisa pa lang mali na yung ginawa ko , pero I'm looking forward na kapag dumating na ang araw na malaman niya ang lahat sa kin sana mapatawad niya ko, sana hindi siya magalit sa kin , alam ko sa umpisa pa lang laro lang naman to eh pero I admit gusto ko na siya kaya nga tinigil ko na ang laro at tinanggap ko na ang pagkatalo ko , I love her at hindi ako papayag na mawala siya sa kin.
Hindi ko naman kasi inakala na aabot ang lahat sa ganito , ni minsan wala sa mga plano ko ang ma fall sa kanya pero heto ako ngayon pilit kong ginagawang tama ang sa tingin ko ay tama , at alam kong magiging masaya kami , hindi ko iisipin sa ngayon ang mga bagay na alam kong magiging dahilan ng pagkakalabuan namin kaya nga pilit kong tinatago ang lihim ko.
Nasa loob ako ng sasakyan , hinihintay ko syang dumating mula sa class niya , lumipat na kasi ako ng school dahil ayukong nakikita na marami ang naiinis sa kanya dahil sa kin , dahil sabi ko nga maliit lang ang mundo na ginagalawan ko kaya lahat ng information tungkol sa kin ay agad na kumakalat at ayukong maapektuhan ang image niya ng dahil sa kin.
Nakaupo lang ako habang iniisip ko ko yung mga concern ng kaibigan ko , kung bakit ko ginawa ang mali pero ito ang tinitibok ng puso ko kaya tama lang ang ginawa ko.
•••••Flashback••••••
Kakauwi lang namin nila Gary at Raffy mula sa pag invite ko sa kanila sa bar kanina , masaya ako dahil nasabi ko na sa kanila na girlfriend ko na si Lala , at ayuko na hindi sila maging sang ayon sa ginawa ko , alam ko kahit hindi nila sabihin, alam ko kong ano ang iniisip nila .
Dali dali kaming pumasok sa loob ng bahay at gaya ng inaasahan ko hindi sila sang ayon sa kong ano ang ginawa ko.
Naupo sila Gary at Raffy sa may sofa habang ako nakatingin sa kanila.
"Seriously ?? Girlfriend mo na siya ?? " Gary
"Hindi lang kasi kami makapaniwala na kayo na " Raffy
"You know what bro , I know nag aalala kayo sa kin pero ito yung nararamdaman ko eh , diba sinabi ko naman sa inyo dati that I like her " Sabi ko
"Pero bro , alam mo naman na hindi naman yun ang intensyon mo in the first place " Raffy
"I know , I know , you know what wag na lang natin pag usapan yang bagay na yan , its a secret , tayo lang naman ang nakakaalam nun unless sasabihin niyo " sabi ko
Tumingin sila sa kin ng deretsu at halatang pinag dududahan ako.
"Of course not " sabay nilang sabi

YOU ARE READING
His Playing The Maldita (Complete) UNDER EDITING
Romance"Kung alam ko lang na paglalaruan mo ko. Eh di sana nakipaglaro na lang din ako sayo! " Anong kaya mong gawin para sa pag-ibig. Kaya mo bang paglaruan ang puso ng isang Maldita?? Paano kung ang larong ginawa mo ay ang maibigan siya?? What will you d...