Chapter Twenty-Seven

892 11 0
                                        

Minsan nakakagawa tayu ng mali na akala natin ay tama , hindi natin nakikita yung mga taong nakapaligid sa tin dahil iniisip natin na alam na natin ang tama sa hindi tama , kasi naman nagagawa natin yun dahil gusto lang natin na ipakita sa kanila kung anung kaya natin at kung hanggang saan ang kaya nating gawin.

Wala akong magawa kong hindi ang tanggapin ang katutuhanan , kung anu ang mga nagawa ko sa kanila , I realize na masyado akong naging makasarili dahil hindi ko na aapreciate lahat ng ginagawa nila , ni minsan hindi ko man lang nasabi sa kanila kung gaano sila ka importante sa kin , bagkus ko nakikita ang lahat ng ginagawa nila para sa kin.

Actually hindi naman talaga ako ganito , diba nga ang sabi ko kailangan ko lang ipakita kung gaano ako katatag para sa kin , dahil pakiramdam ko ako na lang kasi mag isa kaya ko nagawa ang bagay na to , kaya ko nagawang maging isang professional maldita dahil ito lang ang naisip ko para maging matatag dahil ayukong maging mahina .

•••••• Dustin POV ••••••

Tama pa ba tong ginagawa ko ?? Bakit pakiramdam ko nahuhulog na ko sa kanya ?? Pakiramdam ko hindi ko na kailangan mag panggap , nahihirapan na ko sa tuwing pinipigil ko yung nararamdaman ko para sa kanya , this is not our plan , pero kaya kong baguhin yun dahil alam kong gusto ko na sya.

Yah I admit na hindi ako natutuwa sa kanya dati dahil sa super yabang at Maldita nya but I realize na may reason pala kung bakit ganun sya , kung bakit super maldita nya dahil ayaw nya lang ipakita na mahina sya lalo na at mag isa lang sya.

Actually pareho kami ng situation pero ang sa kin lang I'm here with my friends samantalang sya kahit isa wala , kundi sarili nya lang , kaya I know na kailangan nya ng taong dadamay sa kanya at ako ang tao na yun , gusto ko ng itama ang lahat ayuko ng mag kunwari at ipag patuloy ang laro na ginawa namin ng mga kaibigan ko.

Hindi man magandang tingnan dahil pinatuloy ko sya sa bahay ko pero kailangan nya ko at kaibigan nya ko I know nag titiwala sya sa kin at yun ang isang bagay na gusto kong ituwid at ayukong mawala at magalit sya sa kin dahil sa ginawa ko sa kanya , I know wala pa kayung idea kong anung ginawa ko sa kanya para magalit sya sa kin sa oras na malaman nya ang totoo , soon malalaman nyu din kung anu ang tinatago ko.

Maaga akong nagising dahil hindi ako makatulog ng maayus , dahil nag aalala ako sa kanya kung nakatulog ba sya ng maayus , buti na lang at mukhang ang sarap ng tulog nya .

Nasa kitchen kami ngayun kasama ko si Gary at Raffy sila yung kaibigan ko na laging nandito para sa kin , sila yung gumagabay sa kin dito sa Pilipinas .

"You mean close na kayu?? " Raffy

"Mukhang talo na tayu ah " Gary

Nginitian ko sila

"Sabi ko naman sa inyu eh , wala pang tumatanggi sa kagwapuhan ko " sabi ko

"Ikaw na talaga Bru " Gary

"Sinabi mo pa , so paano na yung deal natin ?? " Raffy

Ininum ko yung coffee saka iniwas ko yung tingin sa kanila , hindi ko nga alam kung tama ba tong gagawin ko .

"Actually , mukhang hindi ko na ata kaya " sabi ko

"Sabi ko naman sayu hindi yan basta basta , sya lang naman ang pinakamaldita na nakilala ko " Raffy

"What I mean " bumuntong hininga ako " ayuko ng ipag patuloy yung deal natin " sabi ko

"What ?? " sabay nilang sabi

"Its unfair , so para muna ring sinabi na talo ka " Raffy

"You know what Bru , Hindi ko talaga maintindihan kung anu ba tong nararamdaman ko " sabi ko

His Playing The Maldita (Complete) UNDER EDITINGWhere stories live. Discover now