Dali dali akong pumasok sa loob ng bahay ,Ewan ko ba kung bakit ganito ako kinakabahan at mastado naman ata ako naging affected kung anu ang sinabi sa kin ng Dustin na yun tsss kakaluka , hindi ko tuloy alam kung anung gagawin ko paano ba naman hanggang dito sya lang naman ang iniisip ko haysss kakaluka ..
Umupo ako sa may sofa , wala lang gusto ko lang , feeling ko tuloy hindi ako makakapag review dahil sa mga sinabi nya , bakit ba masyado naman ako nag papa affected sa kanya , diba nga maldita ang rule ko pero bakit naapektuhan ako sa mga sinabi nya?? Mahirap bang tanggapin yun na sa isang kagaya nya nag mula ang nakakasakit na salitang yun ..
Tumingin ako sa malayo at nakita ko si Alice na nakatulala sa kin na hindi ko alam kung bakit ..
"Para ka namang nakakita ng multo , yung totoo na starstruck ka sa beauty ko ?? " sabi ko
"Kasi Ms. Lala bat po ang aga nyo ?? " Alice
Tiningnan ko sya ng masama at iniwas ko yung tingin ko sa kanya .
"Maupo ka kailangan kitang nakausap " sabi ko
"Huh ?? Bakit ??? Naku wala naman akong ginawang masama ?? I'm sorry kung meron wala talaga akong matandaan please Ms. Lala I'm sorry " Alice
"Anu bang pinag sasabi mo dyan kakaluka gusto mo tadyakan kita dyan , gusto lang kitang makausap " pag tataray ko
"Bakit Ms. Lala ?? " Alice
"Bawal na bang kitang kausapin ?? At isa pa hindi naman siguro bawal na kausapin ang mga maid na gaya mo ?? " sabi ko
Kakaluka gusto ko lang naman syang makausap ngayun kung anu anu pang tinatanung , tsss sya lang naman kasi ang maid na parang amo kung umasta , kakaluka , umupo sya sa may upuan at parang tanga na tiningnan ako ..
"Wag mo kong tingnan ng ganyan " sabi ko
Iniwas nya ang tingin nya , haysss ang hirap naman makipag usap sa mga slow para tuloy ako mababaliw sa kanya ..
"Mag kwento ka " pag tataray ko
"Po ?? " Alice
"Ang sabi ko mag kwento ka from the word mag kwento alam mo naman siguro kung anung ibig kung sabihin tsss " sabi ko
"Anung kwento po ?? " Alice
"Kahit anu, tungkol sayo , sa love life basta mag kwento ka " sabi ko
Nakatingin lang ako sa kanya habang sya parang ewan na hindi mapakali. Tsss baka naman mapaihi sya sa mga tingin ko kakaluka , gusto ko lang naman na makarinig ng bagung kwento , baka kasi sabihin ng mga haters ko na hindi ako makatao at hindi marunong mag appreciate tsss
"May isang daga , na nag lalakad sa gubat " nakatingin lang ako sa kanya " isang araw dumating ang mala----- " pinutol ko yung sasabihin nya
"Anung tingin mo sa kin bata ?? Kakaluka kahit grade one alam yang kwento mo " sabi ko
"Kasi Ms. Lala yan lang kasi alam ko " Alice
"Hayss ako na nga " pasalamat sya nasa mode ako ngayun " paano mo masasabi na gusto mo ang isang tao ?? " syempre sinabi ko yun ng walang emosyun baka isipin ng Alice na to nag kakagusto na ko
"Naku Ms. Lala wala akong alam sa ganyan alam mo naman na wala pang nag kakagusto sa kin " Alice
Napakamot na lang sya habang ako parang tanga na kinakausap sya .
"Wala ka bang idea kung paano malalaman na gusto ka ?? O wala ka bang nababasa sa mga libro ?? " sabi ko
"Wala eh " Alice
Tumayo ako at kinuha ko yung mga gamit na nakapatong sa mesa
"Nakakaluka para akong tanga na kinakausap ang sarili ko , ni hindi ka man lang nakatulong , akala ko pa naman may utak ka tsss wala man lang akong makuhang info sayo , siguro kahit pigain ko yang kukute mo wala na kong mapipiga kakaluka " sabay alis ko
Nakakaluka para akong tanga diba tssss panira talaga tong Alice na to , kakasabi ko lang na ayukong mag taray pero anung ginawa nya haysss pasalamat sya hindi ako marunong gumamit ng dahas baka pinag sasampal ko sya tsss
Nahiga ako sa may kama ko at iniisip ko pa din ang mahangin na Dustin na yun na akala nya ba natutuwa ako sa ginawa nya , never !!
Kinuha ko yung mga libro at inilapag ko sa bed ko, bukas na kasi ang exam kaya kailangan kong mag review hindi ko na lang muna papansin yung mga bahay na nag papaapekto sa kin , baka bukas maisahan na naman ako ni Dustin ..
Napapabuntong hininga na lang ako habang nag rereview paano ba naman naaalala ko na lang bigla ang lalaking yun tapus dagdag pa si Otep sa mga iniisip ko hayss anu bang nangyayare sa kin ?? Oh my goddd
Nakakailang oras na ko sa pag rereview kailangan kong mag sunog ng kilay para bukas , dahil hindi ako papayag na maisahan nya ulit , ayuko na kasing maulit para san pa at ako ang naging topnotcher kung papalitan nya lang ako ..
Tok tok
Biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Alice
"Ms. Lala , mag pahinga ka na , baka naman makasama yang pagpupuyat mo " Alice
"Hoy sinung nagsabi sayong nag pupuyat ako nakita mo naman siguro na nag rereview ako and beside anu bang ginagawa mo sa kwarto ko ?? " sabi ko
"Nag aalala lang kasi ako Ms. Lala " Alice
Ngumiti ako ng nakakaluka
"Wow ha , nag papatawa ka ba ?? Parents ko nga hindi nag aalala sa kin ikaw pa na maid ko ?? Wag ka ngang sipsip baka di kita matantya dyan eh. Sige na lumabas ka na ?? " pag tataray ko
Binalik ko yung tingin sa pag rereview , ayukong masayang ang oras ko ng dahil sa kanya ..
"Ms. Lala ?? " Alice
"Bakit na naman ?? " sabi ko
Hinintay ko syang magsalita , hindi kasi ako nakatingin sa kanya .
"Good night " Alice
"You know what ang drama mo , sige na umalis ka na " sabi ko
Kakaluka ang lakas ng trip ng maid na to hindi kaya lesbian si Alice , tsss ang lakas talaga ng toyo nya, hindi na tuloy ako makapag fucos sa pag rereview ..
Dahil sa kagustuhan kong matapus lahat ng ginagawa ko hindi ko na napansin ang oras , umaga na pala , ilang araw na kong hindi nakakatulog ng maayus dahil sa exam na yan , kasalanan nya to eh, haysss

YOU ARE READING
His Playing The Maldita (Complete) UNDER EDITING
Romance"Kung alam ko lang na paglalaruan mo ko. Eh di sana nakipaglaro na lang din ako sayo! " Anong kaya mong gawin para sa pag-ibig. Kaya mo bang paglaruan ang puso ng isang Maldita?? Paano kung ang larong ginawa mo ay ang maibigan siya?? What will you d...