Chapter Forty-Two

891 13 0
                                        

Lalong bumilis ang kaba ko hindi ko alam kong bakit ganito ang nararamdaman ko , kulang na lang paliparin ko ang sasakyan para lang makarating agad , hindi na ko makapag antay na makita siya, hindi ako mapakali. Wag naman sana dahil hindi ko kaya kapag may nangyaring hindi maganda sa kanya , wag naman sana, hindi ko maiwasan ang mag isip lalo na at hindi ko alam kong ano yung narinig ko kanina.

Agad akong bumaba ng sasakyan at dali dali akong pumasok sa loob ng bahay niya , hindi ko alam kong san ko siya pupuntahan , ang tahimik ng loob , hindi ko alam kong nasan sila Gary at Raffy dahil hindi ko sila makita dahil na rin siguro sa laki ng bahay na to kaya hindi ko alam kong san ko siya pupuntahan.

Pumunta ako sa may kitchen , pero wala akong nakita doon , ganon din ng pumunta ako sa may sala hindi ko sila nakita kaya hindi ko alam kong nasan si Dustin .

"Dustin ??? " tawag ko

Pero walang sumasagot kaya inulit ko ulit yung tawag ko.

"Dustin ?? " tawag ko ulit

Pero gaya kanina walang sumasagot ng tawag ko , kaya lalong lumakas ang kaba ko , hindi ko alam kong napano na siya , naiiyak na ko dahil sa sobrang pag aalala , hindi ko alam kong nasan siya .

Umakyat ako sa taas nag babasakali na andun siya habang umaakyat ako lalong bumilis ang kaba ko , sana lang okay lang siya , sana walang nangyareng masama sa kanya , gusto ko siya makita pero hindi ko alam kong nasan siya, pinag papawisan ako ng hindi ko alam.

Agad kong tinungo yung kwarto niya este hindi ko alam kong kwarto niya ba yun kasi hindi pa naman ako na ka ka pasok sa kwarto niya , remember sa sofa ako natulog nung last time na kailangan ko ng makakausap , ni hindi nga ako nakaakyat dito sa taas .

Hinawakan ko yung door knob at napapabuntong hininga ako , hindi ko alam kong bubuksan ko ba o hindi ..

Bumuntong hininga ako at dahan dahan kong binuksan ang pinto kasabay ng pag bukas ko ng pinto ay siya namang bilis ng kaba ko at ito na nga ang nakita ko.

Nagulat ako ng makita ko syang nakahiga sa may sahig , hindi ko alam kong anong gagawin ko.

"Dustin !! " sigaw ko

Agad akong lumapit sa kanya at hindi ko alam kong anong una kong gagawin , hinawakan ko yung ulo niya , at pilit na ginigising .

"Dustin ?? Dustin " sabi ko

Pero hindi siya sumasagot , hindi ko alam kong anong nangyare sa kanya, baka bumagsak siya kanina o baka nawalan ng malay , hindi ko alam kong anong gagawin ko , hindi ko magawang kumalma , hindi ako makapag isip kong ano ang gagawin ko. Hinawakan ko yung noo niya at ..

"Oh my God " sabi ko

Ang taas ng lagnat niya , ang init init niya , kaya lalo tuloy akong nag panic buti na lang.

"Dustin Bro ?? " Gary

Lumingon ako sa nag salita at nakita ko sila Gary at Raffy

"Tulungan niyo ko " sabi ko

"Bakit anong nangyare ?? " Raffy

Agad silang lumapit kong san nakahiga si Dustin , tumayo ako at agad nilang binuhat si Dustin papunta sa may bed niya , habang ako hindi ko alam kong ano ang gagawin ko.

"Is he okay ?? San ba kasi kayo nadatnan ko syang nakahiga dyan , akala ko ba binabantayan niyo siya ?? Akala ko ba okay siya ?? Paano kong hindi ako dumating ??? " sabi ko

Nag aalala ako sa kalagayan niya lalo nat hindi ko alam kong anong sakit niya , nakatingin lang ako sa kanila , hinawakan ni Raffy yung noo ni Dustin .

His Playing The Maldita (Complete) UNDER EDITINGWhere stories live. Discover now