71-80

45.5K 944 161
                                    

Entry 71

Natatawa ako sa pinsan ko. May ka-penpal kasi siya. Uso pa pala yun? Nababasa ko nga yung sulatan nila minsan. Echusera akong pinsan e.  Kapatbahay ko kasi yun. Mister nga pala tawag niya doon kasi hindi naman niya kilala haha!

Entry 72

Pumasok ako sa school. May note sa desk ko.

“Every single day you make my heart sway!”

Aba! Btob fan yata ang nag-iwan nito! Haha

Entry 73

Si Crush! Si Crush! May ABS na! Nakita ko kaninang nagpalit siya ng T-shirt nung pinawisan siya! Pinahawak kasi niya saakin yung pamalit niya kaninang nasa court kami. May ABS na siya! HOOORAY!

Entry 74

Manyak ko daw sabi ni Mr. Abs at kung pwede daw kung magsusulat daw ulit ako sa diary na ito dapat daw pangalan nalang. Hwag na daw Mr. Abs kasi daw namumula daw siya kapag nababasa niya diary ko. Teka? BINABASA PA DIN NIYA DIARY KO? HINDI NA TALAGA SAFE KAHIT ITAGO KO PA DIN ITO!

Entry 75

Ahm partner ko sa PE kanina si Crush. Holding hands tuloy kami! Kasi kailangan sa step. Kilig ako! Landi landi ko talaga!

Entry 76

Tinatamad ako magsulat sa diary pero nagsusulat pa din ako. Napagod kasi ako kaninang maglinis ng kwarto ko! Napagalitan kasi ako ng nanay. Ang dami daw papel na nakakalat. Pati hindi ako binigyan ng pera pangload! Hindi ko tuloy matext si Seth about sa assignment.

Entry 77

Sabi sa iniwan na note ng hindi ko alam kung sino pakinggan ko daw ang kantang ‘Still Believe in love’ ni Jenny Hyun. Maganda daw iyon sabi niya. Pinakinggan ko naman. Maganda nga siya. Gusto ko yung line na ‘Even though life isn’t fair I’d never lose my trust.’

Entry 78

Bagsak ako sa quiz! Surprise kasi. Tinawanan pa ako ni Rain at ni Seth. Akala mo naman sila pasado! Mas mababa pa nga sila saamin ni Aya.

Entry 79

May cookies ako! Bigay ni crush! May bulaklak pa ng santan mga anim na piraso naman galing kay Seth. Anong trip nila? Tawa tulot ako ng tawa sa santan kanina!

Entry 80

May biglang humila saakin from other section. OO! AKO NA TALAGA ANG MAHABA ANG HAIR! NAAPAKAN NA NGA E! JOKE! Haha. Ilakad ko daw siya kay Aya. Sampalin ko siya e! Halos atakihin na ako ng hika ko kanina ng dahil sakanya! Gusto ko lang siya sisihin. Wala akong masisi e.

***

Mga chismosaaaaaaa!!

LOST DIARY (Ang Diary the Explorer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon